Thursday , May 15 2025

2 tulak, huli sa buy-bust sa Valenzuela

SHOOT sa kulungan ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos madakip sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief, P/Lt. Joel Madregalejo ang naares­tong mga suspek na sina Randy Gipit, alyas Kikoy, 33 anyos, at Raulito Manasis, alyas Boss, 38 anyos, kapwa residente sa Brgy. Gen T. De Leon.

Batay sa ulat ni SDEU investigator P/Cpl. Christopher Quiao kay Valenzuela police chief, Col. Ramchrisen Haveria, Jr., dakong 2:40 am nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Madregalejo ng buy bust operation sa Karen Ave., Brgy. Gen T. De Leon.

Isang undercover police ang nagawang makapag­transaksiyon sa mga suspek ng P300 halaga ng shabu.

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa police poseur buyer ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

Nakuha sa mga suspek ang tinatayang limang gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P34,000, marked money, P200 cash, cellphone at Toyota Vios.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …