Tuesday , December 24 2024
Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON

TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo ng Bayan, ang hard-hitting columnist na si Boss Jerry Sia Yap sa kanyang mga empleyado — isang pagkakataon at oportunidad na hindi ko naranasan at hindi ko nakita sa ibang mga nakasama at napasukan ko.

Sa artikulong ito, nais kong balikan ang mga larawan na nagkaloob sa akin ng karangalang magpapatunay na ako nga ay lehitimong photojournalist. Hindi national o metrowide ang parangal — kundi mula sa puso ng aming Boss Jerry.

Aaminin ko, ako’y hindi singgaling ng mga multi-awarded news photographer o photojournalist, pero wala sigurong magsasabi na ako’y natutulog lang sa pansitan — ang sipag ko ay inspirado mula sa pagmamahal ng aking pamilya at sa tiwalang ibinigay sa akin ni Sir Jerry at ng mga kasama ko sa HATAW.

Araw-araw, pumapasok ako sa trabaho, na may pabaong pagmamahal mula sa aking pamilya, lalo sa wifey kong si Marisa, at ekspektasyon na bawat sipat ko sa aking camera ay maghahatid ng mga tagpong dapat makita ng aming mga mambabasa at tagapagtangkilik ng HATAW.

Isa na nga rito ang mga retrato na nagbigay sa akin ng hindi malilimutang karangalan nang sopresahin ako ng aking HATAW publisher na si Boss Jerry, kasama si ma’m Karla, executive secretary at editorial assistant ng HATAW sa MPD Press Corps Office sa Manila Police District (MPD) Headquarters sa United Nations Avenue Ermita, Maynila.

Sa harap ng mga opisyal at miyembro ng MPD Press Corps iginawad sa akin ni Boss Jerry ang dalawang plake at cash bunsod ng isang eksklusibong larawan na inilimbag sa front page ng HATAW, kalakip ang magandang istorya ni ma’m Gloria Galuno, managing editor ng HATAW.

Nang pitikan ko ang apat na preso na nakatak­dang dumalo sa court hearing, itinuring ko lang iyon na isang attendance photo. Sabi ko solve, makapupunta na ako sa ibang police stations o kung may iba pang aktibidad, maka­pipitik pa ako.

Pero nagulat ako, bandang hapon pag­kapasa ko ng retato sa email, tumatawag na si ma’m Glo, tinatanong na ako sa ibang detalye, at kung ilan kaming news photog na nakapitik sa nasabing senaryo.

Sabi ko: “Ako lang ma’m.”

Nagtaka ako sa tanong ni Ma’m Glo, kaya muli kong sinipat sa digital screen ng camera ang kuha ko sa sa apat na preso na noo’y inilalabas sa main entrance ng MPD Headquarters. Ang inilalabas na apat na preso ay magkakakabit na ipinosas sa isang mabigat na kadena na hinigpitan sa pamamagitan ng regular na padlock.

Hindi ko akalain na dahil sa retratong iyon, na inisip kong attendance photo lang, e nagkaroon ako ng award at pabuyang cash mula sa HATAW at kay Sir Jerry.

Bukod doon, pinik-ap ito ng ibang estasyon ng telebisyon network na may pagkilala sa inyong lingkod.

Isa lang ito sa mga aksiyong nagpapakita ng tunay na puso ni Boss Jerry. Sa dinami-rami ng napasukan kong diyaryo bilang news photographer, kay Boss Jerry ko lang naranasan na pupuntahan ka at bibigyan ng on-the-spot na karangalan dahil sa isang ekslusibong kuha na inilabas sa front page ng HATAW.

Totoo po lahat ang sinasabi nila na napakalaki ng puso ni Boss Jerry, bukas palad po talaga sa pagtulong. Ang asawa ko at mga anak ko, ay mga buhay na saksi sa lahat ng mga naitulong niya sa akin at sa pamilya ko kaya ibinigay ko ang 100 porsiyento ko sa sa HATAW, kay Boss Jerry, ma’m Gloria, managing editor at sa pamilya YAP.

Kaya napakasarap magtrabaho sa HATAW at ang Boss mo ay si Jerry Yap, dahil bukod sa suweldo, may sahod ka pa, may benepisyo, ayuda, at pagsapit ng Pasko — tuwing Christmas party ng JSY Publishing, walang uuwing hindi naka-taxi o grab dahil sa mga bongang regalo at raffle.

Kung minsan din, ako ang naaatasan ni Boss Jerry na magdala at mag-abot ng tulong sa mga nagte-text na kasamahan sa media at sa ibang kakilala ko na humihingi ng tulong sa kanya gaya ng pang-birthday ni ganito, pambili ng gamot ng anak, pang-outing ng media group, pang-raffle sa Christmas party, abuloy sa namatayan. Minsan naman, ako ang pinapupunta niya bilang representative ng “Awarding” para sa kanya.

Kaya napakasarap maging kaibigan, kapatid, katrabaho, at higit sa lahat maging Boss si Sir Jerry Yap.
Sa iyo Boss Jerry, isa kang tunay na alamat! Muli, maraming, maraming salamat po.

About Bong Son

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …