MAGBIBIGAY ng P20 milyon ang Pitmaster Foundation sa pamahalaan para hikayatin na magpabakuna ang mga taong hindi pa nababakunahan kontra CoVid-19.
Ayon kay Pitmaster Foundation Executive Director Atty. Caroline Cruz, “we will turn over the said funds sa national government for the purpose na hikayatin ang mga ayaw o nagdadalawang isip pa riyan kung magpabakuna ba o hindi.”
Dagdag ni Atty. Cruz, “we can see the efforts of our government para mabakunahan ang lahat ng mamamayan and we want to help para mahikayat ang lahat sa pamamagitan ng cash reward nga.”
Ayon kay Cruz, utos ni Charlie “Atong” Ang, Chairman of the Board ng Lucky 8 Corporation, na may hawak ng Pitmaster Live, na maglaan ng P20 milyon bilang kontribusyon ng kompanya sa pamahalaan sa vaccination drive nito.
“Maganda kasi na mabakunahan na tayong lahat para makontrol na natin ang hawaan ng virus sa ating bayan,” ani Cruz.
Pahabol ng abogada, “libre na nga ang bakuna na bigay ng gobyerno kaya walang dahilan para hindi tayo magpabakuna para maprotektahan natin hindi lang ang ating mga sarili kundi ang ating mga mahal sa buhay at mga katrabho.”