Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Las Piñas Enhanced Kadiwa Inclusive Food Supply Chain Program
NILAGDAAN ng Las Piñas city government at ng Department of Agriculture (DA) ang isang memorandum of agreement (MOA) para sa paglulunsad ng Enhanced Kadiwa Inclusive Food Supply Chain Program na sumisiguro sa pagkakaroon ng pagkain at accessibility nito sa panahon ng pandemya. Sa kasunduan, ang DA ang magbibigay ng financial grant assistance sa mga kalipikadong organisasyon na lalahok at local government units (LGUs) upang mapagbuti ang kanilang kapasidad sa mga karagdagang makabuluhang aktibidad sa food supply chains mula sa aggregation, processing, packing, store, warehousing at transport hanggang sa distribusyon. Inumpishan na ang implementasyon ng dalawang KADIWA stores sa lungsod na naglalayong pondohan ang mga piling market vendor para sa renobasyon at pagsasaayos ng KADIWA store. (EJ DREW)

Para sa food security
LAS PIÑAS CITY PUMIRMA NG MOA SA DA

NILAGDAAN ng Las Piñas city government at ng Department of Agriculture (DA) ang isang memorandum of agreement (MOA) para sa paglulunsad ng Enhanced Kadiwa Inclusive Food Supply Chain Program na sumisiguro sa pagkakaroon ng pagkain at accessibility nito sa panahon ng pandemya at sa hinaharap.

Sinabi ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar, sa ilalim ng kasunduan, ang DA ang magbibigay ng financial grant assistance sa mga kalipikadong organisasyon na lalahok at ang local government units (LGUs) upang mapagbuti ang kanilang kapasidad sa mga karagdagang makabuluhang aktibidad  sa food supply chains mula sa aggregation, processing, packing, store, warehousing at transport hanggang sa distribusyon.

Inihayag ni Mayor Aguilar, ang proyekto sa ilalim ng kasunduan ay nakatuon sa implementasyon ng dalawang KADIWA Stores sa lungsod na layuning pondohan ang piling market vendors para sa renobasyon  at pagsasaayos ng KADIWA store.

Bilang suporta sa proyekto, binigyang diin ng alkalde na i-download ng DA ang pondo sa lungsod na ipagkakaloob sa Pagsasarali Talipapa Multi-purpose Cooperative at ng Las Piñas Meat Dealers Association na parehong organisasyon na tatanggap ng tig- P1-milyon.

Ayon kay Mayor Aguilar, obljgasyon ng DA sa pamamagitan ng kanyang Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS) na magkaloob ng  financial grant sa lungsod na popondohan sa ilalim ng Market Development Services of FY 2021 General Appropriation Act 11518.

Sa panig ni Vice-Mayor April Aguilar, aniya ang DA financial grant’s fund ay gagamitin para sa implementasyon ng “Enhanced Kadiwa ni Ani at Kita Financial Grant Assistance Program” na ire-release o ilalabas nang buo alinsunod sa aprobadong panukalang proyekto gayondin sa work and financial plan na nakasaad sa kasunduan.

“On our side, the city’s obligation is to implement the approved project and shall see to it that it will be in accordance with the approved project objectives, standards, systems and procedures for project implementation, and the approved Work and Financial Plan contained in the agreement,” pahayag ni Vice-Mayor Aguilar.

Idinugtong ng bise alkalde, ang funding assistance ay manggagaling sa DA na ilalabas nang buo o ng tranches depende sa nature at pangangailangan ng proyekto.

NAGSAGAWA ng full-Scale Security Exercise sa NAIA terminal 3 ang Philippine National Police Aviation Security Unit NCR at pamunuan ng MIAA.

Naging makatotohanan ang eksena ang nangyaring shooting incident sa pagitan ng PNP Aviation Security Unit NCR at suspek na nagpupumilit na pumasok sa loob ng airport na may dalang bomba.

Isa ito sa mga senaryo na ginaganap na full-Scale Security Exercise sa NAIA terminal 3 kung saan isang shooting incident.

Ganun din ang Hostage taking ang tutukan ng mga awtoridad sa posibleng mangyari sa loob ng Paliparan.

Personal na tutukan ni PNP aviation Brigadier General Director Ismael Yu ang kahandaan ng mga tauhan ng PNP aviation at pamunuan ng MIAA sa maaring nangyaring terrorism incident sa loob ng airport.

Hindi na dapat maulit ang nangyari noong Disyembre 20 2013 ng tambangan ang isang alkalde ng Zamboanga del sur sa labas ng arrival area dito NAIA terminal 3.

Isa ito sa mga dahilan kung kayat nagsasanay ang mga tauhan ng PNP aviation at iba pang ahensya para maging handa sa anumang maging senaryo na mangyaring karahasan sa loob at labas ng Airport.

Sa isinagawang exercise naging parang totoo dahil organisado lahat ng mga senaryo na posibleng mangyari at tutugunan ng mga awtoridad at mga rescuer na tutulong sa mga biktima ng kaharasan sa loob ng airport.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …