Saturday , November 16 2024
Comelec

Ex-CJ sa Comelec
DQS VS BBM RESOLBAHIN

HINIMOK ni retired chief justice Artemio Panganiban ang Commission on Elections (COMELEC) 2nd Division na agarang resolbahin ang mga petisyon laban sa kandidatura ni presidential aspirant at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., lalo’t maaari itong makarating hanggang Korte Suprema.

Dalawa sa pitong petisyon ang humihiling sa poll body na ibasura ang certificate of candidacy ni Marcos habang ang isa ay nais siyang ipadeklarang nuisance candidate.

Ang ika-apat naman ay inihain ng grupo ng mga biktima ng human rights violations noong Martial Law at iginiit na convicted ang dating senador dahil sa kabiguan umanong magbayad ng income tax returns mula 1982 hanggang 1985.

Ipinunto ni Panganiban, iba ang petisyong inihain upang kanselahin ang certificate of candidacy ni Marcos sa mga mas bagong petisyon na inihain naman upang ipadiskalipika sa 2022 presidential election. 

Inilinaw ng dating punong mahistrado na ang disqualification ay maaari lamang i-file laban sa isang kandidato na nakagawa ng election offenses sa ilalim ng Omnibus Election Code.

Hindi gaya ng cancellation ng COC, pinapayagan sa disqualification na magkaroon ng substitution, ng isa pang kandidato mula sa isa pang political party na may kahalintulad na apelyido. 

Sakali aniyang kanselahin ang COC ni Marcos ay hindi na maaaring magkaroon ng substitution dahil mangangahulugan itong hindi kailanman umiral ang COC. 

Dahil dito, hindi mabibilang ang mga boto para kay Marcos at ang kandidatong may susunod na mataas na bilang ng boto ang idedeklarang panalo.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …