Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tony Labrusca

Tony Labrusca bumaba ang popularidad

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAPANSIN lang namin, mukhang napakabilis yata ng pagbaba ng popularidad ni Tony Labrusca. May panahong kabi-kabila siya ang pinag-uusapan, ngayon ay hindi na ganoon. May panahong ang turing sa kanya ay sexiest male star, ngayon mukhang nasapawan na siya ng mas malalakas ang loob na maghubad at magpakita ng kanilang private parts.

Hindi nagawa iyon ni Labrusca, na puro paseksi lamang.

Iyan naman talaga ang problema ng mga sexy star. Mabilis silang sumikat, pero basta napasukan ng mga bago, mas madali naman silang mawala. Iyong karaniwang artista, nakukuha niyan ang paghanga ng mga tao dahil sa kanilang galing at sumisikat sila. Hindi naman nawawala ang galing. Iyang mga sexy star, kaya mabilis sumikat dahil sila ang nagiging ilusyon ng kanilang fans, pero kung may mas higit na g mapag-iilusyonan, wala na sila. Tingnan ninyo, sino ang artistang nagpa-sexy noong araw ang sikat pa rin hanggang ngayon?

Nakadepende kasi ang kanilang poularidad sa ilusyon ng mga tao, at madaling mawala ang ilusyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …