MATABIL
ni John Fontanilla
SASALI pala sana ang Miss Grand International 2020 1st runner-up Samantha Bernardo sa 2021 Miss Universe Philippines.
At kahit alam nito na ‘di siya papayagan ng MGI na sumali sa MPU 2021 ay decided na ito na subukan muli ang kanyang luck sa pageant.
Pero may mga nangyari raw kaya hindi siya nakasali sa MUP 2021. Kuwento ni Sam habang kausap si Brenda Mage at isa pang housemate kung bakit ‘di siya natuloy sa pagsali, “Sasali na dapat ako, kasi hindi papayag ‘yung MGI pero parang naisip ko na lang …
“Ginawa nila minessage nila ‘yung MU, okey pa ‘yung MU pero ang ginawa ng MUP ki-nut nila hanggang December 31 pero usually hanggang coronation, eh November ang birthday ko, ginawa nila hanggang December kahit October paalis, ayaw talaga nila ako pasalihin.”
Kaya naman no choice si Samantha at hindi na talaga nakasali sa Miss Universe Philippines 2021. Mabuti na nga lang at naimbitahan siya para maging isa sa housemate sa Pinoy Big Brother.