Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blind Item, Man Woman Fighting

Aktor at aktres panay ang dyombagan

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

AWAY-BATI ang drama ng magkarelasyon na ito at matindi silang mag-away dahil may halong pisikalan base sa kuwento ng aming source sa kapareho nilang unit owner sa isang condominium building na madadaanan papuntang South.

Tsika ng aming source simula noong tumira siya sa building na roon din nakatira ang magkarelasyon ay hindi nabubuo ang isang buong linggo na walang maririnig na sigawan, murahan, at hagisan ng mga gamit.

“Ilang beses nang pinupuntahan ng building administrator pero hindi pa rin tumigil, sa kapal ng log book, ‘yung ¼ na mga pahina ay reklamo ng mga unit owner dahil sobrang naabala,” kuwento ng isa sa mga nakatira rin sa nasabing building.

Dagdag pa, ”parang wala silang mga trabaho, hindi sila umaalis ng unit nila.”

Hindi naman din kasi mainstream actress si babae kaya bilang lang sa daliri ang project niya at si lalaki naman ay wala rin kaming alam na trabaho dahil ang tsika, umaasa umano ito sa allowance na bigay ng magulang dahil may kaya sila.

Hmm, baka kaya ito ang dahilan kaya nagkakainitan ang magkarelasyon dahil wala silang gaanong ginagawa at lagi pa silang nagkikita sa apat na sulok ng unit nila, eh, nakaka-praning nga naman din kasi hindi sila busy.

At dahil kilala naman din ang magkarelasyon ay naamoy nina Maritess at Mosang ang bawat kilos nila at ang update sa amin ay hindi na nila pina-follow ang isa’t isa sa kanilang social media accounts.

Big deal talaga kapag artista ang may in-unfollow lalo na kung karelasyon o matalik na kaibigan.

Hindi ba puwedeng namali ng pindot lang kaya na-unfollow? O sadyang yamot sila sa isa’t isa kaya in-unfollow.

Sa kasalukuyan, si aktres ay may ginagawang serye ngayon at nasa lock in taping, samantalang si lalaki ay bisi-bisihan sa kawo-work out at pagpapaganda ng katawan.

Well, hanggang un-follow lang sana ang mangyari sa magka-relasyon at hindi mauwi sa hiwalayan dahil nakahihinayang sila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists inanunsyo

IPINAKILALA na ng  Puregold CinePanaloang Top 20 student short films na napili mula sa 267 entries …

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle may mga bagong kalaban sa bagong yugto ng Roja 

PATULOY na sinusubaybayan ng mga manonood ang Roja, na umeere sa ALLTV2,  A2Z, Kapamilya Channel, at online na nakamit …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo dapat seryosohin pagiging dramatic actor

RATED Rni Rommel Gonzales BIDA sa Spring In Prague sina Paolo Gumabao at ang Macedonian actress na si Sara Sandeva. …