MA AT PA
ni Rommel Placente
SO totoo palang may relasyon na sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache. Sa text conversation kasi nina Edu at Cheryl Cosim, na ipinakita sa show ng broadcaster sa One Balita Pilipinas noong Biyernes, tinanong ng huli ang una kung totoo bang sila na ni Cherry Pie?
Ang sagot ni Edu ay, “You’re the funniest! Yes, my dear.”
Dalawang beses pang tinanong ni Cheryl si Edu sa real score sa kanila ng beteranang aktres at um-oo ang daddy ni Luis Manzano.
Nagsimulang mapabalita na may something kina Edu at Cherry Pie noong i-upload ng aktres sa kanyang Instagram account ang picture nila ng aktor, na nakahilig siya sa balikat nito during their recent trip sa New York City. At ayun nga, kinompirma na ng daddy ni Luis ang relasyon nila ni Cherry Pie.