ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
SA isang masaya at masaganang huntahan, nalaman namin kay Marc Cubales na marami siyang naka-line up na pasabog sa pagpasok ng year 2022.Ayon satalented na international model, singer, producer, businessman, at pilantropo, pinapalantsa na ang mga ito.
Ano ang sorpresa niya next year? “By February, may ano ako, may pasabog talaga, more than what you expect,” nakangiting saad ni Marc.
Wika pa niya, “Actually hindi siya plano, we’re halfway through, so kahit na pandemic, kahit ganyan na tahimk kami, we tried na rin na kumilos kahit paano, para nakaabang lang siya. Like ‘yung fashion show sa YouTube, natapos namin siya, puro teaser lang. Nakapag-photo shoot kami for Gladys Magazine which is available sa Barns and Nobles.”
Kabilang dito ang Sinag fashion show nila ng award-winning fashion designer na si Ms. Joyce Peñas Pilarsky.
“Kaya siya tinawag na Sinag, though dark times tayo ngayon, hindi ba, there’s always a light. Sinag symbolizes hope na sa kabila ng pandemya, may malaking pag-asa pa rin. It’s actually a project of Jhay Layson, produced by me and Joyce and me as a model na rin. Jhay is also an international designer and award winning designer helping Joyce as well.
“Actually, model lang ako sa Sinag and part producer… but the brain and the idea sa project is really from Jhay Layson,” aniya pa.
Happy rin si Marc dahil akala niya raw ay tapos na ang pagiging modelo niya. “Parang feeling ko ngayon, parang mas lalo pa siyang pa ano, dahil I couldn’t imagine na I’ll be part of a US magazine… anytime ay magse-centerfold na naman ako, US pa. Tapos next year ay magfa-fashion week kami sa London, may jewelry din dito at mas extravagant ang ilalabas na mga jewelry.
“There’s a BL series na pinag-uusapan namin, actually part-2 na ng BL series, pero magbabago lang ng casts. But we are aiming, we are looking sa mga hindi artista, like ‘yung mga influencer, ‘yung mga Tiktok artists, mga ganoon. Iyon ang sinusubukan naming ipasok, instead na mga celebrity. Kasi they have talents din e, ‘yung mga Tiktok artists.”
Nagkaroon din siya ng anxiety dahil sa Covid, kaya tumulong na lang si Marc. “Hindi na ako nagbibigay ng mga tulong na bigas… ‘yung mga ganoon, nagpa-GCash na lang ako, ginawa ko silang monthly allowance, kahit paano. Pero nakakatakot din dahil imagine, bigla na lang wala na (sila), hindi ba?”
Kabilang din sa plano ni Marc ang maging director or at least assistant director, next year.