Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ana Jalandoni

Ana Jalandoni, swak na bansagan bilang Putol Queen!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

BUKOD sa swak na swak si Ana Jalandoni bilang bagong Papaya Queen, posibleng mabansagan din siya bilang Putol Queen kapag naipalabas na ang pelikulang pinagbibidahan niya titled Manipula.

Pansinin kasi ang pagiging boobsie ng magandang aktres at sa movie niyang ito, apat na lalaki ang pinutulan niya ng manoy!

Ang pelikula na pinamahalaan at isinulat ni Direk Neal Tan ay isang erotic-thriller na kargado ng sex and violence.Plano itong ipalabas sa online streaming sa January 2022.

Si Aljur Abrenica ang leading man dito ni Ana. Mula sa AFlix Media Production, tampok din dito sina Kiko Matos, Mark Manicad, Marco Alcaraz, Christian Vasquez, Alan Paule, Rolly Inocencio, at Rosanna Roces.

Aminado si Ana na nahirapan siya sa eksena sa Manipula na kailangan niyang putulin ang kargada ng mga nang-gang-rape sa kanya.

Pag-amin ng aktres, “Nahirapan ako, pero nang na-execute ko nang maayos kung paano ang gagawin ko sa mga nota nila, nagustuhan ko na siya, hahahaha!

“Kasi kakaiba iyon ‘di ba? Hindi naman basta-basta ka makakapanood ng ganoong movie.”

Kanino siya pinakana-excite sa mga pinutulan niya?

Tugon ni Ana, “Kay Marco Alcaraz, kasi nakatali siya, kaya wala siyang magawa kung ano ang gusto kong gawin sa kanya. And nang pinuputol ko na ang kargada niya, nagsisisigaw na lang siya ng, ‘Aray! Aray!’ Ganoon iyong ginawa ko sa kanya.”Dahil apat na nota ang pinutol niya sa Manipula, ano ang magiging reaction niya kung bansagan siyang Putol Queen?

“I like it, pangangatawanan ko iyan… wala namang ano sa akin, kahit na ano ang ibansag nila sa akin ay okay lang,” nakangiting wika pa ng Viva contract star.

Incidentally, nakakabilib talaga ang kasipagan ni Ana dahil bukod sa pagiging aktres at producer ng pelikula, nagba-Buy and Sell siya ng cars, at may bubuksan ding resto this month.

“Ang name ng restaurant ay 1970 Grill and Shabu-Shabu, dito lang iyan sa Morato, katabi ng Mesa restaurant. Actually matagal na siya, 12 years na siya and yung may-ari ng restaurant ay magse-settle na sa Korea.

“Bata pa lang kami ng mga kaibigan ko ay kumakain na kami roon, kaya nang nalaman naming ibinebenta ay kinuha na agad namin. Nagsosyo kaming dalawa ng best friend ko na si Rosette Alanginan.“Now ay inire-renovate na siya, magbubukas ito ng November 28, ano siya samgyupsal, shabu-shabu at may Lyka gems siya, puwedeng gamitin ang Lyka gems dito,” saad pa ni Ana.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …

Vilma Santos Gawad Tanglaw

Vilma tinanggap ika-5 pagkilala mula Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGLAMBING sa inyong lingkod si Gov. Vilma Santos-Recto na i-represent siya sa katatapos …

Innervoices Aliw Awards

InnerVoices wagi sa Aliw Awards 2025

MATABILni John Fontanilla  BAGO matapos ang 2025 ay tumanggap ng parangal ang Innervoices bilang Best Group Performer in …