Dear Sis Fely Guy Ong,
Ako po si Fatima Salvador, 32 years old, nakatira sa Bagumbong, Caloocan City.
Ngayon pong panahon ng Ber months, paiba-iba ang klima ng panahon. Minsan napakainit, minsan naman biglang uulan nang malakas, at kahapon lang ay nakararamdam na kami ng paglamig ng panahon.
Sa kabila nito, kami po’y labis na nag-aalala dahil sa biglang pagdami ng lamok. Minsan po, hindi ko namalayan na pinupog na pala ako ng lamok sa braso. Napuna ko lang ito nang hawakan ko ang braso ko at nakapa ko ang maraming butlig.
Dali-dali po akong kumuha ng bulak at binasa ko ng Krystall Herbal Oil at dahan-dahan kong idinampi sa mga butlig.
At lalo po akong bbumilib sa Krystall Herbal Oil dahil wala pang alawang oras, unti-unti nang naglaho ang mga butlig.
Pambihira talaga ang imbensiyon ninyo, Sis Fely. Hiling po namin na higit pa kayong pahusayin ni Yahweh El Shaddai para makalikha ng mga imbensiyon na malaking tulong sa kalusugan ng bawat tao.
Mabuhay po kayo!
FATIMA SALVADOR
Caloocan City
Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.
Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong