Friday , October 4 2024
AKSYON AGAD ni Almar Danguilan
AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Makukuha pa rin kaya ng QCPD ang The Best Police District?

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

KUMUSTA na ba ang Quezon City Police District (QCPD). Bakit tila tahimik  ang pulisya… para bang walang naririnig o napapabalitang malaking trabaho  ang kilalang most awarded police district sa National Capital Region (NCR).

Wala nga bang malakihang trabaho ang QCPD na ngayon ay nasa pamumuno ni P/BGen. Antonio Yarra,  kaya tila hindi matunog ang pulisya? Maiuwi kaya ng QCPD ang best police district para sa taong kasalukuyan?

Alam n’yo naman, taon-taon ay nakukuha ng pulisya ng Quezon City ang parangal sa tuwing isineselebra ng NCR Police Office ang kanilang founding anniversary. Pero para sa taong ito, mapasasakamay pa rin kaya ng QCPD ang The Best Police District of Metro Manila?

Pero bakit tila hindi matunog ang QCPD ngayon – hindi nga ba? Actually, hindi naman sa tunog pinagbabasehan kung nagtatrabaho ang isang police district, their records will prove it.

Marahil hindi matunog ang QCPD ngayong taon, ito ay dahil sa hindi masyadong media mileage conscious ang pamunuan ngayon o si Gen. Yarra at sa halip ang mahalaga sa administrasyon ng QCPD ay ang kaliwa’t kanang pagtatrabaho o paglilingkod nila sa mamamayan para sa katahimikan at kaayusan ng lungsod.

Kung inakala ng marami na walang gaanong trabaho ang QCPD ngayon dahil para bang hindi masyadong laman ng balita – telebisyon, radio at pahayagan — isa itong malaking kasinungalingan dahil kung ano ang QCPD noon, ganoon pa rin ang pulisya sa pagtatrabaho.

Kampanya laban sa krimen o droga ba ‘ika mo? Naku po, mahaba ang kamay ng QCPD pagdating sa gera laban sa kriminalidad lalo ang pagsugpo sa ilegal na droga. Yes, araw-araw ay magaganda ang accomplishments ng QCPD – hindi lang mga petty drug pusher ang kanilang nadadakip kung hindi malakihang pusher/courier ang kanilang naipapasok sa selda.

Isa nga sa pinakahuling nakompiska ng QCPD ay ang P6.9 milyong halaga ng shabu. Kasama nila sa operasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Kamakailan sa isinagawang buy bust operation ng QCPD Police Station 6 na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Alexy Sonido, nadakip si Mohammad Bocua, residente sa Brgy. Holy Spirit, QC makaraang makompiskahan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.9 milyon.

Dinakip ang big time pusher nitong Oktubre 24, 2021 sa parking lot ng Ever Gotesco Mall, Commonwealth Avenue, Brgy. Batasan Hills, QC.

Siyempre, sa pagkakadakip ni Bocua, masasabing nasawata ng QCPD ang pagkalat na naman ng 1,000 gramo ng shabu sa lungsod. Ibig sabihin, maraming kabataan ang nailigtas sa tiyak na kapamahakan.

Wala na bang accomplishments ang QCPD? Heto pa, sa hiwalay na operasyon ay nakakompiska rin ng dalawang kilong pinatuyong dahon ng marijuana o ‘damo’ ang grupo pa rin ni Sonido. Nadakip ang tulak na si Derick Dulatre. Siya ay inaresto sa kanto ng Litex Road, at IBP Road, Brgy. Commonwelth, QC matapos bentahan ang pulis na nagpanggap na buyer ng P10,000 halaga ng damo at nang inspeksiyonin ang kanyang dalang bag, nakuha pa ang dalawang kilo ng marijuana. Kagaling naman ng PS 6, ang sisipag. Kudos sa iyo Col. Sonido sampu ng inyong mga opisyal at tauhan ng Station Drug Enforcement Unit.

Ito nga lang ba ang malaking trabaho ng QCPD sa kampanya laban sa ilegal na droga? Actually marami pa. Sabi ko nga, halos araw-araw may nadadakip na small time at big time. Tahimik lang ang QCPD ngayon pero, hindi matatawaran ang araw-araw nilang matagumpay na trabaho.

Patungkol naman sa kampanya sa kriminalidad o most wanted persons? Diyan ay hindi rin nagkulang si Yarra, hindi na mabilang sa daliri ang araw-araw na nahuhuli ng iba’t ibang police station ng QCPD.

Paano naman ang kanilang paglutas sa krimen…maagap ba ang pulisya? Yes naman. Hindi nga lang kasi matakaw sa media mileage ang admin sa kasalukuyan.

Nitong Oktubre 26, 2021,  binaril at napatay si ret. 2nd Lt. Daniel Wilson sa kanto ng Scout Madriñan St., at Sgt Esguerra St., Brgy. South Triangle, QC.

Agad na kumilos ang grupo ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD sa pangunguna ng hepe na si P/Maj. Elmer Monsalve.

Hindi na nagsayang ng oras ang CIDU, pinag-aralan ang lahat – sa tulong ng CCTV at mga saksi, nakilala ang suspek. Kaya, nalutas agad ang krimen sa loob ng 27-oras.  Nangyari ang krimen nitong Oktubre 26, 2021 dakong 6:45 pm at nadakip ang suspek dakong 10:00 pm kinabukasan.

Nadakip ang isa sa suspek na si Deogenes Rodriguez sa kanilang bahay sa 30KM Marcos Highway, Sitio Inuman, Brgy. Inarawan, Antipolo City. Siya ay positibong itinuro ng mga saksi bukod sa nakompiska din sa suspek ang gamit na sasakyan sa krimen na isang kulay puting Hyundai Starex na kinilala din ng mga saksi. Patuloy na hinahanting ng pulisya ang isa pang suspek.

O ano, iyan ba ang tahimik ang QCPD laban sa kriminalidad? Marami pang magagandang trabaho ang QCPD. Kung iisa-isahin natin ito, magkukulang ang ating espasyo.

Ang tanong, makukuha pa rin ba ng QCPD ang parangal sa ilalim ng pamumuno ni Gen. Yarra?

Abangan!

About Almar Danguilan

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Delusional, kung ‘di man desperada

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DELUSIONAL na marahil ang ating Bise Presidente, si Inday …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Suwerteng QCitizens, bibilhan ng condo ni Mayor Joy B.

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAPAKASUWERTE talaga ng QCitizens sa pagkakaron ng isang Alkalde na ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Talento mo sa paggawa ng parol, isali sa “Kumukutitap 4” ng QC

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW ba ay isa sa daang libong QCitizens na may itinatagong …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paglalantad sa backdoor

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MATAPOS mapanood ang privilege speech ni Senator Raffy Tulfo …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Serbisyo ng LTO, hanggang Sabado na

AKSYON AGADni Almar Danguilan PASO na ba ang inyong lisensiya sa pagmamaneho at hindi makapag-renew …