INIANGAT sina 8-time Illinois USA Champion International Master Angelo Abundo Young at National Master Gerardo Cabellon ang koponan ng Isabela’s Knights of Alexander na tinalo ang Davao Executive Chess Wizards, 12.5-8.5, sa third conference Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) Sabado ng gabi, Okt. 30 virtually na ginanap sa Chess.com Platform.
Tangan ang puting piyesa ay giniba ni IM Young si National Master Aglipay Oberio sa 63 moves ng King’s Indian defense, nagwagi naman si NM Cabellon kay Arnel Niño Aton sa 56 moves ng Queen’s Pawn Opening para ihatid ang Knights of Alexander sa kanilang ninth win kontra sa six losses. Habang nabaon naman ang Davao Executive Chess Wizards sa 5-10.
“It was a total team effort,” sabi ni IM Young na overall eighth-placer sa 2019 World Seniors Chess Championships sa Bucharest, Romania.
Pinuri naman ni Isabela head coach Charlie Lagoc ang kanyang mga manlalaro na dumaan sa matinding laban sa Davao.
\
Nakaha ng suporta sina Young at Cabellon kina International Master Emmanuel Senador at Lordwin Espiritu sa rapid event.
Pinabagsak ni IM Senador si National Master Alexander Lupian sa 44 moves ng Queen’s Pawn Opening habang nakihati ng puntos naman si Espiritu kay Ariel Niño Aton sa 50 moves ng Pirc defense.
Sina Mary Israel Palero Segarra, Anthony Mosqueda at Reynaldo de Guzman ang napalaban ng husto sa Davao Executive Chess Wizards na tinalo sina Woman Candidate Master Christy Lamiel Bernales, Anwar Cabugatan at Renan Rabago, ayon sa pagkakasunod.
7-all ang iskor sa rapid portion pero nakamit pa rin ng Isabela’s Knights of Alexander ang tagumpay matapos dominahin ang blitz phase, 5.5-1.5.
Una ng kinaldag ng Isabela’s Knights of Alexander ang Bangkok (Thailand), 12-9, kung saan ay pinahinto ni IM Young si FM Deniel Causo sa rapid play.
Susunod na makakalaban ng Isabela ang San Juan Predators at Laguna Heroes sa Miyerkoles, Nob.3.
MARLON BERNARDINO