Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Akyat-bahay gang member, nagbenta ng baril sa pulis

ARESTADO ang isang notoryus na miyembro ng akyat bahay gang mata­pos bentahan ng baril ang isang pulis sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang naares­tong suspek na si Kevin Naga, alyas Kevin Fernan, 26 anyos, residente sa P. Zamora St., Brgy. 19 ng nasabing siyudad na nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 32 of RA 10591.

Sa report ni P/Cpl. Josefino Estacio II kay Northern Police District (NPD) Director PBGen. Jose Hidalgo Jr., naka­tanggap ang mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) ng impormasyon mula sa isang confidential informant na sangkot umano ang suspek sa pagbebenta ng baril.

Dakong 1:00 pm nang isagawa ng mga operatiba ng DSOU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Col. Jay Dimaandal ang buy bust operation sa P. Zamora St., na isang undercover police ang nagawang makipag­transaksiyon sa suspek ng P2,000 halaga ng baril.

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa police poseur-buyer ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba at narekober ang isang cal. 38 revolver na kargado ng dalawang bala at buy bust money.

Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay sa pamamagitan ng matatag at matibay na pamumuno ni NPD Director Hidalgo.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …