Monday , November 18 2024
Sorsogon Diocese priest Father Noli Alparce
Si Sorsogon Diocese priest Father Noli Alparce habang nagmimisa sa kanyang parokya. (Larawan mula kay Father Alparce)

Sinibak ng CBCP
3 PARI MAS PINILINGMAGLINGKOD SA TAOKAYSA SIMBAHAN

MANILA — Sa gitna ng pag-iinit ng usapin ng halalan, maging ilang miyembro ng klerigo ay nahimok nang pumasok sa politika at nagbunsod para alisin sa kanilang tungkulin ng mga opisyal ng Simbahan ang tatlong paring nagdeklarang tatakbo sa nalalapit na eleksiyon sa Mayo ng susunod na taon, 2022.

Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), natanggap na nina Father Noli Alparce ng Sorsogon Diocese, Fr. Emergon Luego ng Tagum Diocese at Fr. Granwell Pitapit ng Libmanan Diocese ang kani-kanilang decree na nagpahayg ng desisyon ng Simbahan ukol sa kanilang paglahok sa halalan.

Naatasan ang mga obispo na sundin ang Canon law para umaksiyon laban sa tatlo bilang mga pari na pinagbabawalang gumanap ng serbisyo publiko o makilahok sa pagsasagawa ng civil power,” wika sa pahayag ng CBCP.

Isa umanong malungkot na pangyayari ang desisyong kumandidato ni Fr. Pitapit, punto ni Libmanan Bishop Jose Rojas.

“Father Granwell Pitapit decided to leave the priestly ministry and the priesthood for personal reasons,” paliwanag ni Bishop Rojas sa liham sa mga mananampalataya.

“Consequently, this decision to enter politics means his priestly functions are hereby revoked. This is deemed irreversible, thus preventing him from returning to the priestly ministry,” dagdag sa liham.

Inilinaw ni Father Alparce ng Sorsogon na naghain siya ng kanyang kandidatura bilang konsehal ng Albay makaraan ang mataimtim na panalangin.

Ayon naman kay Father Luego ng Tagum, tumakbo siyang alkalde ng bayan ng Mabini dahil ito umano ang naging desisyon niya matapos ang matagal na pagninilay-nilay para magkaroon  ng pagbabago sa kanyang parokya at nasasakupan.  (TRACY CABRERA)

About Tracy Cabrera

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …