PANGIL
ni Tracy Cabrera
Each of us seems to have a main focus, a particular idea of practicality—a concept of ‘what we want out of life’ against which we judge our experiences.
— American psychic Jan e Roberts
MATAGAL na naging miyembro ng Partido Liberal ang ating kaibigang Caloocan City District II representative Edgar ‘Egay’ Erice at inamin niya sa atin na hindi naging madali ang paglisan niya rito ngunit bunsod ng kawalan ng plano o ng partido at gayon din sa paghina nito sa larangan ng politika sa bansa.
Binanggit din ng ating kaibigan na dapat sana’y binigyan ni vice president Leni Robredo ng direksiyon ang LP ngunit dito nabigo ang pangalawang pangulo at marahil ay abala siya sa mas mahahalagang bagay.
Una kong nakaharap si pareng Egay noong 1990s nang isa pa lang siyang konsehal sa lungsod ng Caloocan sa ilalim ni mayor Rey Malonzo. Inimbitahan ako ng aking kaibigang si Arlie Calalo sa isang thanksgiving party para sa Camanava (Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela) Press Corps at inisponsoran din ng bahagya ni pareng Egay ang kasiyahan na ginawa sa planta ng San Miguel Corporation sa MacArthur Avenue.
Sa nasabing okasyon, nabiro ko pa nga si pareng Egay na magwawala ako kapag naubusan kami ng beer. Ngumiti lang ang konsehal at itinuro ang dalawang trailer ng beer na nakaparada sa tabi kung saan kami ay nag-iinuman.
At sa sumunod na [pagkakataon na magtagpo kami ni pareng Egay ay siya na ang kinatawan ng Caloocan]. Dinalaw ko siya sa kanyang tanggapan kasama ang aking asawang si Heidi at biniro niya ako na ingatan ko raw na huwag mauntog ang misis ko dahil baka magbago ang isip at iwanan ako.
At noong 2018, nagkita kaming muli sa aming barangay sa Maypajo at doon ko napagtanto na mas makabubuti kung tatakbo siya bilang alkalde ng aming lungsod.
Pero hindi ito kinompirma ni pareng Egay kahit pa inasahan ko ito dahil wala akong bilib sa panunungkulan ni Oca Malapitan at lalo na kung ang hahalili ay ang kanyang anak na si District I respresentative Dale ‘Along’ Malapitan.
Sa aking sariling pananaw, mas kailangan at mas makabubuti na ang maging punong lungsod dito sa amin ay si pareng Egay dahil subok ko siya sa maraming pagkakataon .
* * *
PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!