Sunday , December 22 2024
shabu

Bigtime drug suspect, huli sa P6.9-M shabu (Sa Quezon City)

INARESTO ng pinagsanib na operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Batasan Police Station (PS-6) ang isang bigtime drug pusher makaraang makompiskahan ng P6.9 milyong halaga ng shabu sa isang buy bust operation sa Quezon City, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Col. Alexy Sonido, PS-6 station commander, ang suspek na si Mohammad Bocua, 27 anyos, at residente sa Brgy. Espiritu Santo, sa lungsod.

Batay sa ulat, tatlong impormante ang nagsumbong sa ilegal na gawain ng  suspek kaya agad nagkasa ng buy bust operation ang mga awtoridad dakong 6:10 om, nitong 24 Oktubre, sa parking lot 2, Ever Gotesco Mall, Commonwealth Branch , Brgy. Batasan Hills.

Isang asset ng mga awtoridad ang bumili ng P1,000 halaga ng shabu kay Bocua at nang magkaabutan, dinakip ang suspek.

Bukod sa buy bust money, nakompiska rin kay Bocua ang 1000 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,900,000 at isang cellular phone na ginamit sa transaksiyon ng droga.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …