BILANG nangunguna sa pagtataguyod ng pagkakaroon ng malusog at masarap na hapagkainan sa bawat Filipink, handog ng Papa Sweet Sarap Banana Ketchup ang kakaibang ketchup pormula habang pinapanatili ang “classic sweet sarap” na lasa na matagal nang mahal at kilala ng mga batang Filipino.
Taglay ng bagong Papa Sweet Sarap Banana Ketchup ang mga sumusunod na bitamina: B1 (thiamine), B2 (riboflavin), at B6 (pyridoxine), na bahagi ng B-complex ng mga bitamina na nagsasagawa ng mga esensyal na gawain para sa ikabubuti ng katawan. Tumutulong ang B1 sa pagpapakawala ng enerhiya mula sa pagkaing kinokonsumo natin, kaya mahalaga para sa mga aktibong bata. Tumutulong naman ang B2 na i-transform ang pagkaing kinakain natin upang maging glucose at magbigay ng enerhiya sa ating katawan. Mahalaga ang B6 sa nervous system ng mga bata, upang mas palakasin ang immune system at maging matatag ang katawan laban sa mga karaniwang sakit at iba pang isyung pangkalusugan.
Lalo itong naging mahalaga dahil maraming batang Pinoy ang nakararanas pa rin ng malnutrisyon at kakulangan sa mga bitamina gaya ng B1, B2, at B6–ang mismong mga bitamina na mas nagpatibay sa bagong pormula ng Papa Sweet Sarap Banana Ketchup.
Sa bago nitong pormula, layunin ng Papa na gawing mas malusog ang kinokonsumo ng bawat Filipino sa tuwing kumakain, sa tulong ng taglay nitong B-vitamins. Hindi lang iyon, hangad din ng Papa na mas masarap ang bawat pagkain, sa tulong ng sweet sarap nitong lasa. Ayon sa Papa, kung isasama ang Papa ketchup sa balanseng kombinasyon ng pagkain, maitutulak nito ang pagiging masarap at malusog ng bawat “Pinggang Pinoy” ng mga batang Filipino.
Bahagi ng desisyong ito ng Papa na patatagin ang pormula ng ketchup sa tulong ng mga bitamina ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, na nagpapatunay lamang na kailangang gawing prioridad ang pagpapalakas ng immune system ng bawat Filipino.
Dahil dito, ipinagmamalaki ng Papa ang bago nitong pormula, na hindi lamang masarap, kung hindi paniguradong palalakasin ang immunity at enerhiya ng mga batang Pinoy. Nauunawaan ng Papa na bagamat komplikado ang pananatiling malusog lalo na sa kasalukuyang panahon, nararapat lamang na may oportunidad ang bawat nanay na maibigay ito sa kanilang mga anak.
Nasasabik ang Papa na simulan ang isa sa mga programa nito sa hinaharap, ang “Papa-Sigla, Papa-Bibo, Papa-Protektado.” Isa itong kampanya sa edukasyon tungkol sa nutrisyon, na susuportahan ng TV, at mga midyum na digital at trade. Magiging bahagi rin ng kampanya ang mga aktibidad na on-ground, dahil nais ng Papa na mas maging aktibo sa pagtuturo sa mga magulang at sa mga bata tungkol sa benepisyo ng micronutrients, tamang pagkain, at sapat na nutrisyon.
Sa paglulunsas ng Papa ng kampanyang ito, masaya nitong ipinakikilala sa mga bata at magulang ang mundo ng malusog na pagkain: isang paglalakbay na nagsisimula sa pagbubukas ng isang bote ng Papa Sweet Sarap Banana Ketchup Fortified with B-Vitamins.
Mabibili ang Papa Sweet Sarap Banana Ketchup na mas pinatatag ng B-vitamins sa mga pamilihan sa buong bansa.