I-FLEX
ni Jun Nardo
ITINAYA ni Ara Mina ang pangalan niya na hindi magsisisi ang mamamayan sa lone district ng San Pedro, Laguna kapag pinili nila ang asawang si Dave Almarinez bilang kongresista ng kanilang lugar sa halalan next year.
“Mahusay, aktibo, progresibo at dalisay,” ang serbisyo ng asawa sa San Pedro.
“Noong una kong nakilala ang aking maybahay, talagang bukal din sa kanya ang pagtulong, tumutulong na rin siya for the longest time,” saad ni Dave.
Palihim na tumutulong noon si Ara noong nagsimuala ang pandemic. May mga ospital at organisasyon siyang pinaaabutan ng PPEs, pagkain at kung ano-ano pa.