ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
GINAMIT ni Ana Jalandoni ang kanyang alindog, para mamanipula ang limang kalalakihang lumapastangan sa kanya at pumatay sa kanyang ama, upang makapaghiganti sa kanila.
Ito ang matutunghayan sa pelikulang Manipula na isunulat at pinamahalaan ng prolific at mahusay na direktor na si Neal Tan.
Bukod kay Ana, tampok din dito sina Aljur Abrenica, Kiko Matos, Mark Manicad, Marco Alcaraz, Christian Vasquez, Alan Paule, Rolly Inocencio, at Rosanna Roces.
Si Ana ay isang Viva contract artist na naging introducing sa Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar ng Vivamax. Dahil sa pandemic at sa pagiging likas na masipag na businesswoman, naisipan niyang mag-produce na rin ng pelikula, kaya ipinanganak ang pelikulang Manipula na hatid ng AFlix Media Production.
Ano ang role niya sa movie?
Lahad ni Ana, “Ang role ko rito ay anim na character. Dito ay ni-rape siya at pinatay yung dad niya, kaya siya naging manipula. Nagkaroon siya ng different personalities.
“Para makapaghiganti siya sa mga nang-rape sa kanya at saka para mailabas iyong parang galit niya, dahil doon siya nagiging masaya, kapag pumapatay siya. Ganoon kalalim, kaya sobrang bigat.”
“Mahirap, pero proud ako sa sarili ko kasi nalagpasan ko siya and I think nagawa ko iyong best ko,” nakangiting pahabol pa ng aktres.
Dahil tila madalas ma-link si Aljur sa leading lady niya, hindi ba siya natakot na baka intrigahin din sila ng aktor na kontrobersiyal ngayon?
Esplika ni Ana, “Hindi naman po, kasi, nagkasama po kami ni Aljur sa mga parang out of town event. So, parang magkaibigan naman po kami.
“Actually, humihingi ako sa kanya ng tulong, kasi nga first time ko (magproduce ng pelikula) and mabibigat nga po iyong mga dinadala namin po. Pero nandoon po iyong support niya sa a friend, kaibigan po talaga.
“Wala naman pong ano, komportable naman po kami sa isa’t isa.”
Sa anim na character na ginampanan niya, saan siya pinakanahirapan sa lahat?
Tugon ng magandang aktres, “Pinakanahirapan ako, sa dalawa, iyong kay Kelvin na nagpanggap akong lalaki. Tapos iyong kay Sam, kasi super wild yung character niya.”
Pagpapatuloy pa ni Ana, “Iyong last scene namin ni Armando, sexy siya na iba. Sobra, kailangan love namin ang isa’t isa, passionate, intense. Kasi iyong eksena na iyon, may gagawin ako sa kanya, eh.
“So ang hirap, mahal ko iyong tao pero may gagawin ako sa kanyang masama, pero kailangang mag-love scene muna kami, hahahaha!”
Paano niya ide-describe ang kanilang love scene?
Bulalas niya, “Wild siya na may kasamang love! Kasi, nandoon iyong talagang mahal na mahal mo, pero kailangan mo talagang maghiganti, eh.”
Dagdag na esplika pa ni Ana, “Ito po ang pinaka-daring sa nagawa kong pelikula. Kasi po usually ang ginagawa ko ay comedy, sexy … Ngayon ko lang po nagawa itong talagang may lalim.”
Nabanggit din niya ang kanyang limitasyon sa pagpapa-sexy.
“Sa limitation naman po, actually depende po sa story. Kaya ko naman po ang magpa-sexy talaga, pero depende po sa direktor iyon. Kung ano po ang mga kailangang gawin, gagawin ko lang po,” saad pa ni Ana.