FRUSTRATED actor, singer, at commercial model siya, na talagang pinangarap niya pero hindi naman niya naabot nang husto, at ngayon nga ay tigilid ang kalagayan sa buhay. Kaya ang ginagawa niya inilalabas niya sa kanyang social media account ang mga commercial na nagawa niya, ang music video, at pictures niya na kasama ang mga sikat na artista, dahilan para may magka-interes din sa kanya kaya siya nakaka-“sideline.”
Naniningil daw siya ng P10K sa mga gay, pero kung pumalag ang mga iyon, kahit na P5K ay pumapayag na rin siya pero oras na mag-date sila, gagawa naman siya ng alibi para mabilis na matakasan ang kasama niya. Kaso nabuko rin siya nang magkausap ang mga bading na siningil nga niya ng mura, tinakasan naman niya.
Ngayon wala nang pumapansin sa frustrated male newcomer kahit na ano pang suggestive posts ang gawin niya sa kanyang mga social media account. (Ed de Leon)