Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cassy Legaspi, Beautederm, Rhea Tan

CASSY LEGASPI, SOBRANG NA-IN LOVE SA MGA PRODUKTO NG BEAUTÉDERM

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ng young actress na si Cassy Legaspi na sobrang happy niya ngayong opisyal na siyang Beautéderm Brand Ambassador.

Saad niya, “I am happy to partner with Beautéderm at sobra akong in love sa kanilang mga produkto. Gustong-gusto ko ang all-natural skin set na Beauté L’ Elixir at part na po ito ng aking daily skin regimen. Aside from being very mild, it smells so great at very effective ito in nourishing and cleansing my skin. I could really feel and see the glow of my skin mula nang ginamit ko itong skin set.”

Sinimulan ng Beautéderm Corporation ang huling quarter ng 2021 kasama ang freshest at most exciting na young star na ngayon ay bahagi na ng ever-growing family nito sa pormal na pagsalubong nito sa TV personality at celebrity influencer na si Cassy bilang pinakabagong ambassador.

Mula nang itinatag ito noong 2009, naging lider ng beauty and wellness industry ang Beautéderm bilang isang respetadong distributor na pinagkakatiwalaan ang mga brand nito ng mga consumers, ‘di lamang sa Fillipinas ngunit sa buong mundo na rin, dahil sa epektibong business model nito na nagbibigay ng long-term at sustainable na trabaho sa mga libo-libong resellers at franchisees.

Sa ngayon, mahigit sa isang daang mga produkto ang nasa ilalim ng Beautéderm sa mga kategorya ng Make-up and Cosmetics; Haircare; Body Care; Personal Care; Body Sets; Spruce And Dash Collection; Beautéderm Home; at Facial Care – na partikular na ineendorso ni Cassy. Ang mga kabilang sa Facial Care Line nito ay ang recently launched na Blanc Plus Sheet Mask at Blanc Plus Mask Serum; kasama na rin ang Beauté L’ Elixir Skin Set; Beauté L’ Micellaire; Beauté L’ Créme Decollage; C’est Clair Acne Drying Gel; Acne Loin; at La Fraise Gommage Instant White Polish.

Si Cassy, na ine-endorse rin ang Caress Hand Sanitizer Spray, Etré Clair Mouth Spray, Glowtion Instant Tan Lotion, at Au Revoir Relax and Revive Lotion, ang ideal brand ambassador ng Facial Care Line ng Beautéderm dahil sa kanyang wholesome image at dahil sa kanyang malakas na reach sa mas batang segment ng merkado na makikita sa kanyang milyon-milyong followers sa social media.

Bukod sa pagiging isang major social media influencer, nagkamit si Cassy ng mas malawak na mainstream recognition nang lumabas siya sa GMA-7 top-rater na First Yaya na ginampanan niya ang papel ni Nina Acosta habang, co-host siya ng Sarap ‘Di Ba Bahay Edition kasama ang kanyang mom na si Carmina Villaroel at kapatid na si Mavy Legaspi mula 2018 hanggang 2021.      

“Very welcome addition si Cassy sa Beautéderm and we are thrilled to have her on board,” saad ng Beautéderm President and CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan na ipinagdiwang kamakailan ang Royale Beauté 12th anniversary celebration ng kompanya. “Cassy embodies the vibrancy of youthfulness and this best represents our line of products which are designed and formulated for all ages,” wika pa ng lady boss nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …