Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
KathNiel, Bollywood, India, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla

5 pelikula ng Kathniel gagawan ng Bollywood remake

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ANG bongga naman talaga nina Daniel Padilla at Kathryn Bernando. Bakit ‘ika n’yo? Kasi naman limang mega-blockbuster movies nila  ang  gagawan ng Bollywood remake very soon.

Ayon sa ABS-CBN Film Productions, makikipagsanib-puwersa sa kanila ang Global One Studios ng India para sa adaptation ng limang pelikula ng box-office stars na sina Kathryn at Daniel.

Ito na ang kauna-unahang pagkakataon para sa Philippine cinema na madala ang ilan sa tumatak na pelikulang Pinoy sa India na itinuturing na isa sa pinakamalaking film market sa buong mundo. Itatampok sa magiging Bollywood remake ang mga artista at talented Indian loveteams.

“Isang napakagandang oportunidad ito para sa ABS-CBN Films na maibahagi ang mga ‘di malilimutang kuwento natin at maghahatid ng inspirasyon sa global audiences,” ani ABS-CBN Films managing director Olivia Lamasan

Aniya pa, ”Maraming pagkakatulad ang Pilipinas at India, gaya ng pagpapahalaga natin sa pamilya na talaga namang ramdam sa ating mga pelikula at ngayon ay maaari na ring umabot sa mga Indian.” 

“We are happy to be associated with ABS-CBN Films to bring their well-crafted love stories to the people of India by adapting their heartrending films in Indian languages. Family bonding and cultural values are common to both Philippines and India, which are captured seamlessly in their films.

“This will be the first time that five Filipino films will be remade in India and we are excited to join hands with ABS-CBN to showcase their relationship stories with the same intense and emotions through our films,” sambit naman ni Ramesh Krishnamoorthy, President ng Global One Studios.

Ang mga pelikulang magkaroon ng Indian remake ay ang Barcelona: A Love UntoldCan’t Help Falling In LoveCrazy Beautiful YouShe’s Dating the Gangster, at The Hows Of Us, na naging highest grossing Filipino film noong 2018. 

Kinilala namang Phenomenal Box-Office Stars sina Kathryn at Daniel noong 2019 para sa The Hows of Us, Box Office King and Queen noong 2017 para sa Barcelona: A Love Untold, Prince and Princess of Philippine Movies noong 2018 para sa Can’t Help Falling In Love, at noong 2016 para sa Crazy Beautiful You.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …