Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PANGIL ni Tracy Cabrera

Sa huli, si Inday pa rin…

PANGIL
ni Tracy Cabrera

A wise man can learn more from a foolish question than a fool can learn from a wise answer.

— Martial arts superstar Bruce Lee

PASAKALYE:

Text message

Sementeryo sa Metro Manila sarado mula October 29 hanggang November 2. Magpunta na raw sa araw na ‘di sarado ang sementeryo. Kapag All Saints’ Day holiday ‘yan ‘di ba? Kaya lahat ay may oras para makapunta sa sementeryo. Paano… magpunta na agad kung may work ang mga tao? Ano sila mag-leave muna sa work? Puwede na lang silang pumunta araw ng Linggo na walang work. So kapag ‘yan ang ginawa nila, ganoon din karami ang dadagsa sa sementeryo. Health protocol? Gobyerno nga ‘di maipatupad ito sa mga mataong lugar. Walang nagmamando, nganga lang kayo. Bigayan ng ayuda at iba pa napapanatili ba ninyo ang protocol? Huwag n’yo iasa sa mga dumaragsang gutom para makakuha ng ayuda. Talagang magsisiksikan na ‘yan. Sa mga naka-post lang sa social media e wala tayong nakitang naipatupad nila ang social distancing. Ilan ang agwat ng social distancing isa at kalahating metro? E kahit nga kalahati lang wala akong makita, dikit-dikit sila. Mga unggoy? Juan po. — Juan ng Tondo (09094818…)

* * *

SANG-AYON tayo sa kaibigan nating Senate president Vicente “Tito” Sotto III na inabuso ang batas ukol sa subsititution at iyan ang ginagawa ngayong estratehiya ng grupo ng administrasyon para sa huling sandali ay malaki ang posibilidad na ang anak ni Digong na si Davao City mayor Sara ‘Inday’ Duterte-Carpio ang magiging substitute ni Bato.

Pabor kay Sara na ideklara munang tatakbo siya bilang reelectionist mayor ng kanyang lungsod dahil kung alam ng kanilang mga kritiko na siya ang standard-bearer ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan, tiyak na mababanatan siya.

Ito namang si Bong para raw sa pangalawang pangulo… bakit? Siyempre para may proteksiyon ang mga kalahi niyang Intsik.

Kaya tama lang si Cagayan de Oro representative Rufus Rodriguez na ipanukala ang pagbabawal sa substitution.

* * *

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o kaya’y i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …