Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rabiya Mateo

Rabiya tututukan muna ang showbiz career

MATABIL
ni John Fontanilla

WALANG balak na muling sumali sa ibang beauty pageant ang 2020 Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo.

Bagamat marami ang nang-eenganyong sumali siya sa Miss World Philippines sa susunod na taon, buo na ang desisyon nito na magpahinga muna sa pagsali sa mga beauty pageant at mag-focus sa pag-aartista.

Nagpapasalamat ito na marami ang naniniwala sa kanya na malaki ang tsansa niya na makakuha ng international crown kung sasabak siyang muli sa Binibining Pilipinas o Miss World Philippines. Sobrang na-aapreciate ni Rabiya ito pero iba na kasi ngayon ang gusto niyang gawin.

Bago nga sumali ulit si Rabiya sa mga beauty pageant, gusto muna nitong mag-ipon at magpayaman para na rin sa future ng kanyang pamilya.

Dagdag pa nito, hindi ganoon kadali maging candidate ng isang beauty pageant. Sobrang hirap at kailangang maglabas ng pera na parang investment sa sarili.

Pero ‘wag malungkot ang mga taga-suporta ni Rabiya dahil hindi naman  nito isinasara ang pinto sa pagsali ulit sa mga beauty pageant pero ayaw  nitong paasahin ang kanyang mga supporter na sasali siya kaagad sa susunod na taon. If ever naman na sasali siya, malalaman naman ito agad kanyang supporters.

Sa ngayon, gusto muna niyang subukan at ienjoy ang showbiz lalo’t malapit na siyang i-launch ng kanyang magiging home studio.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …