Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Luke Mejares, PMPC Star Awards for Music

Luke emosyonal sa pagwawagi sa 12th Star Awards for Music

MATABIL
ni John Fontanilla

GRABE ang kasiyahan ni Luke Mejares nang manalo bilang Outstanding Male Concert Performer of the Year sa katatapos na 12th PMPC Star Awards for Music noong October 10, 2021.

Nakalaban ni Luke sa kategoryang ito sina Ogie Alcasid, Ronnie Liang, Rico Blanco, Chad Borja, Raymond Lauchenco, at Richard Reynoso.

Ani Luke, hindi niya inaasahan na magwawagi siya lalo’t mahuhusay  ang kanyang mga nakalaban. Para sa kanya, masya na siyang maging nominado at bonus na ang pagwawagi.

Kaya naman nang manalo siya ay abot langit ang kanyang kasiyahan. “Sobrang abot langit talaga ang tuwa, kasi katulad ngayon pandemic nalulungkot ako at nag-aalala kasi kaming mga singer musician hindi pa nakababalik sa live gig.

“Kaya naman ‘yung may  ganitong award na matatanggap ka na galing sa isang prestigious organization like PMPC (Philippine Movie Press Club) na kinilala ‘yung hardwork mo ay sobrang nakatataba ng puso and I’m honored talaga na binigyan nila ako ng pagkilala.”

Ito ang kauna-unahang tropeong nakuha ni Luke after ng 23 taon niya bilang singer. “At ito ‘yung kauna-unahan kong PMPC trophy sa loob ng 23 years ko sa music industry, kaya naman sobrang saya at grateful ako sa PMPC at napansin nila ‘yung hardwork ko.”

Kaya nanan iniaalay niya ang pagkapanalo sa kanyang pamilya, kaibigan, at supporters. “Unang-una, gusto ko ialay sa Panginoon, kasi kung hindi sa Kanya hindi ako magkakaroon ng talento sa pagkanta na maisi-share ko sa mga tao, pangalawa sa aking pamilya lalong-lalo na sa aking asawa at mga anak na nandyan sa akin sumusuporta.

“Pangatlo sa lahat ng aking supporting fans o mga naging friends na naniniwala noong nagsisimula ako at hangang ngayon ay nandyan pa rin at sumusuporta, maraming salamat.

“At sa lahat ng mga taga-industriya na sumusuporta sa akin, sa aking Beautederm Family, kay Ms Rei Anicoche-Tan, sa producer ng aking concert  na si Che Che Colmenares ng Dragon Arc Events and Management  and of course sa PMPC, maraming-maraming salamat po!,” 
pagtatapos na pahayag ni Luke.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …