MA at PA
ni Rommel Placente
MASAYA kami para sa idol naming si Mr. Pure Energy Gary Valenciano dahil gumaling na siya mula sa sakit na dengue.
Sa kanyang Instagram post, sinabi niyang naospital siya for two days dahil nga sa nakamamatay na sakit.
Ayon sa kanyang IG post, “I just wanted to share the goodness of the Lord with all of you. I’ve been here in the hospital since Mon PM due to dengue fever.
“But He took care of me yet again and now I’m headed home. The Lord has left me speechless once again. I Love you Jesus! #undesevring #unmerited #favoroftheLord #Godissogood.”
Sa comment section, maraming kaibigan ni Gary V ang nagpadala ng mensahe, na masaya sila na gumaling na ang total performer.
Ang isa sa mga ito ay si Iza Calzado. Sabi ng aktres, “Prayers for you Tito Gary [heart emojis]”
Sabi naman ni TV Host Christine Bersola-Babao, “TakeCare Gary! [Emojis] May the Lord Bless and Keep you.”
Ang former actress naman na si Princess Punzalan, nagpasalamat kay Lord para sa paggaling ni Gary. Sabi niya, “Thank You, Lord God for healing Gary [emojis]”
Ang singer namang si Moira dela Torre, ay may mensaheng, “So happy to hear that you are feeling better now tito.”
Ang ilan pa sa mga nagpadala ng emojis at mensahe para kay Gary ay sina Lyn Ching, Julie Anne San Jose, Kit Kat, Bernadette Sembrano, Gab Pangilinan, Ogie Alcasid, Timmy Pavino, at RJ dela Fuente.