I-FLEX
ni Jun Nardo
HALOS isang oras naligo ang Kapuso artist na si Claire Castro para matanggal ang cake sa buhok at tenga.
Mula ‘yon sa pasabog na eksena ni Claire sa Kapuso afternoon series na Nagbabagang Luha na nabistong peke ang pagbubuntis niya. Matapos ang umaatikabong sampal sa kanya ni Gina Alajar eh inginudngod pa siya sa cake at tinapunan ng kung ano-ano.
Trending ang eksenang ‘yon nina Gina at Claire na umabot sa halos apat na milyon ang views sa Face Book, huh.
Agad namang humingi ng sorry si direk Gina kay Claire matapos ang eksenang ‘yon. Ilang weeks na lang mapapanood ang Nagbabagang Luha. Kapalit nito ang Las Hermanas na comeback series ni Albert Martinez sa GMA.