Tuesday , November 19 2024
Consoliza Laguardia, MTRCB

Laguardia mamumutol, mahahalay na pelikula lagot

HATAWAN
ni Ed de Leon

AYAN na. Nag-take over na si OIC Consoliza Laguardia sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) at mabilis niyang nasilip ang mga mahahalay na pelikulang ipinalalabas sa internet.

Kung kami ang tatanungin, hindi lang dapat classification kundi sensura ang ipataw diyan sa mga pelikula sa internet. Basahin na lang ninyo kung ano ang sinasabi nila mismo sa social media. Ni wala silang sinasabi kung ano ang kuwento ng kanilang mga pelikula, kundi kung paano inilabas ng mga artista nila ang mga ari-arian niyon sa pelikula nila. Hindi lang kung paano inilabas ang kanilang ari-arian. Ikinukuwento rin nila kung paano nila ipinakikita ang pagtatalik ng dalawang lalaki. Aba napansin namin na roon sa mga pelikulang inilalabas sa internet, lalo na iyong mga pambakla, magtataka ka kung bakit ipina-ban pa ng gobyerno ng Pilipinas ang website na Pornhub.

Ngayon pakikialaman na sila ng MTRCB, tiyak iyon putol ang mga ari-arian nila. Ang mga mahihilig na bakla, pupunta na lang sa isang social media platform na nakalulusot ang mahahalay na video, at siguro lilipat na lang sa mga sex video na ginagawa ng mga male starlet na walang trabaho.

Pero oras na makialam ang MTRCB, tiyak aalma ang mga baklang director na gumagawa ng mahahalay na pelikula, at kailangan natin isipin na noong gawin ni Presidente Marcos iyong PD1986, na siyang lumikha sa MTRCB, wala pang video streaming. Iyong mga computer noon na “wordstar” pa lang. Ibig sabihin, wala sa batas iyang internet video streaming at kung wala sa batas, paano nga ba iyan sasakupin ng MTRCB na ang kapangyarihan lamang ay nasa mga pampublikong palabas sa mga sinehan, sa telebisyon at niyong bandang huli ang kanilang classification ay ipinatutupad na rin sa video. Pero iyang internet pribado. Private communications iyan kaya paano kaya ang gagawin para mapanghimasukan ng MTRCB? Dapat ang makialam niyan ay ang DICT (Department of Information and Communications). May magagawa pa, babalik sila sa Kongreso para amyendahan ang batas ng MTRCB at masakop ang video streaming, eh ngayon wala ka nang mahagilap dahil lahat nagkakampanya na. Iyon ang sinasabi sa amin noon ni Congresswoman Vilma Santos, baka kailangan amyendahan iyang batas para masaklaw ng MTRCB ang video streaming, eh lahat nataranta sa pagpapasa ng Bayanihan law na nagbigay ng kapangyarihan sa gobyerno na bumili ng kahit na ano ng walang bidding.

About Ed de Leon

Check Also

Amy Perez Winnie Cordero

Mga madamdaming kuwento hatid nina Tyang Amy at Mareng Winnie sa Radyo 630

TIYAK na maaantig sa mga samo’tsaring kwento ng totoong buhay kasama ang Titas ng radio …

Nova Villa Noel Trinidad Tessie Tomas

Asawa ni Nova 7 taon nang nasa banig ng karamdaman 

RATED Rni Rommel Gonzales SA loob ng kung ilang dekada ay aktibo sa pelikula at …

Shea Tan Ruffa Mae Quinto

Rufa Mae nalunasan sobrang pagpapawis ng kili-kili

MATABILni John Fontanilla HINDI nagdalawang isip si Rufa Mae Quinto na tanggapin ang isang produktong makatutulong para …

Alden Richards Kathryn Bernardo kathden DJ Janna ChuChu Hello, Love, Again

Hello, Love, Again pasok sa US Top 10 Box Office 

MATABILni John Fontanilla ISA na namang achievment para sa mga Pinoy ang pagkapasok sa US …

Tulfo, researcher at iba pa sinampahan kasong cyber libel ni Ginco 

HATAWANni Ed de Leon NAGSAMPA ng demandang cyber libel ang dating program manager ng TV5 na si Cliff …