Monday , December 23 2024
Jun Miguel, Talents Academy

Talents Academy ni Direk Jun naka-2 nominasyon sa Star Awards for TV

MATABIL
ni John Fontanilla

DOBLE-SAYA ng director/producer na si Jun Miguel dahil double nomination ang nakuha ng kanyang ipinrodyus at idinireheng Children show sa IBC 13, ang Talents Academy sa 34th PMPC Star Awards for Television na mapapanood sa Oct. 17, 2021 sa STV at Rad Channel.

Nominado for Best Children Show ang Talents Academy gayundin bilang Best Children Show Hosts ang mga batang kasama rito na sina Anastacia Paronda, Candice Ayesha Paronda, Madisen Go, Gracelle Joace Jimenez, at Sedrick Ganolon.

Nagwagi na noong 2019 ang Talents Academy sa 33rd PMPC Star Awards for Television bilang Best Children Show at Best Children Show Host. Kaya naman wish ni Direk Jun na muling masungkit ang tropeo para sa mga kategoryang ito.

Pero kung hindi naman, okey lang dahil ang maging nominado sa Star Awards at mapansin ang kanilang show at mga host ay isang malaking karangalan at achievement na para sa kanila. Kaya gusto rin niyang magpasalamat sa mga miyembro at pamunuan ng Philppine Movie Press Club (PMPC) na siyang nasa likod ng Star Awards for Television.

About John Fontanilla

Check Also

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …