PANGIL
ni Tracy Cabrera
Leadership is a privilege to better the lives of others. It is not an opportunity to satisfy personal greed.
— Former Kenyan president Mwai Kibaki
PASAKALYE:
Text message
Iyang si Isko, pinatakbo lang ‘yan ni Digong para maging magulo ang eleksiyon at makalusot ang plano nilang pandaraya. S’yempre nga naman kung magiging one-on-one ang laban sa pagka-presidente, mahahalata kung dadayain nila. Pero kung maraming tatakbo, tiyak makalulusot sila. Isipin na lang ng mga magiging kalaban ng patatakbuhin ni Duterte, nasa kanila ang pera at makinarya at sila pa ang nakapuwesto at hawak ang pulisya at iba pang ahensiya ng gobyerno — paano mananalo ang oposisyon?
— Anonymous (090728934…)
* * *
AYON sa alumni ng partidong politikal ng University of the Philippines, ‘hilo’ raw si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kung inaakala niyang kaya niyang talunin si vice president Leni Robredo sa nalalapit na national elections sa Mayo sa susunod na taon.
Habang nakapag-anunsiyo ang anak ng yumaong pangulong Ferdinand Marcos, Sr., sa kanyang desisyong tumakbo bilang presidente, nagsanib ang mga student organization, fraternity, sorority at iba pang mga grupo ng kabataan sa UP para tuligsain at harangin ang kandidatura ni Bongbong.
Sa unity statement, sinabi ng 31 youth group sa UP Manila na si Marcos “ay walang pansariling nagawa” at umaasa lamang sa “sinasabing mga accomplishment” ng kanyang ama para suportahan ang kanyang political career.
Sadyang binatikos ng mga kabataan ang “desperadong tangka” ni Bongbong para makapuwesto sa pamahalaan.
Wika nila: “The power-hungry Marcos family will always jump at any opportunity to reclaim authority.”
* * *
PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!