Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aiko Melendez

Aiko nanindigan para sa ABS-CBN

MA at PA
ni Rommel Placente

SUPORTADO pa rin ni Aiko Melendez ang ABS-CBN kahit nasa GMA 7 na siya. Hanga niyang muli itong mabigyan ng prangkisa.

Ayon kay Aiko, tumatanaw lang siya ng utang na loob sa Kapamilya Network dahil nabigyan siya rito ng trabaho tulad ng drama series. 

Sa Facebook post ni Aiko, sinagot niya ang mga kumukuwestyon sa kanya na anti-ABS-CBN dahil sa ipinakikita niyang suporta.

Ayon sa FB post ni Aiko, (pulished as it is), “Ano naman ang ikinasama kng supportado ko ang pagbubukas ng Abs CBN kng sakali man mabigyan ng franschise ito muli sa susunod na taon? Hindi ba dapat matuwa tayo na madami uli ang magkakaroon ng pagkakataon magkaroon ng trabaho sa gitna ng pandemya? Asa GMA7 man ako ngayon but even before na sinara ang Channel 2 i have been vocal na naawa ako sa mga kaibigan ko sa industriya na nawalan ng trabaho. Anong masama na maghangad ka ng kabutihan sa mga taong magkakaroon uli ng trabaho? Kailanman ang GMA 7 di kami pinagbawalan na magbigay ng komento about sa kabilang network. Malaki ang utang na loob ko po sa DOS kasi maraming pagkakataon tinulungan nila ako na magkawork. Kaya wag nyo alisin ang opinion ko sa pagsupporta dito. Mas madaming networks mas marami ang magkakatrabaho.”

Samantala, nag-file na ng Certificate of Candidacy (COC) si Aiko kahapon. Sinamahan siya ng boyfriend niyang si Zambales Vice Governor Jay Khongkun. Tatakbo siya bilang konsehal sa District 5 ng Quezon City.

Wish lang namin at ipinagdarasal, na sana ay muli siyang mabigyan ng pagkakataon na maging konsehal sa nasabing distrito.  Alam naman kasi namin na marami siyang magaganda at makabuluhang project na gagawin para sa kanyang constituents. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …

Vilma Santos Gawad Tanglaw

Vilma tinanggap ika-5 pagkilala mula Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGLAMBING sa inyong lingkod si Gov. Vilma Santos-Recto na i-represent siya sa katatapos …

Innervoices Aliw Awards

InnerVoices wagi sa Aliw Awards 2025

MATABILni John Fontanilla  BAGO matapos ang 2025 ay tumanggap ng parangal ang Innervoices bilang Best Group Performer in …