Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Products, Teacher

Titser agad nakabawi sa pagod at sakit ng katawan after “krystall healing session”

Dear Sis Fely Guy Ong,

        SA SUSUNOD na buwan, ako po’y edad 45 anyos na, isang guro sa mababang paaralan sa Pateros, Rizal, Titser Lina kung kanilang tawagin, dalaga.

         Hindi ko po naiibigan ang sistema ng pagtuturo ngayong panahon ng pandemya — hindi ko ramdam ang online classes o modular classes o blended learning.

Mas sanay akong kaharap ang mga estudyante ko at sila’y aking nagagabayan. Pero wala kaming magawa pare-pareho.

‘Yung mga estudyante na malalapit sa aking bahay, pinayohan ko na kung walang internet at nahihirapan ay puwedeng pumunta pero hanggang tatlong estudyante laang. Ginawan ko rin sila ng sariling schedule para naman hindi maapektohan ang mga nasa online at nasa modular.

Sa madaling sabi po Sis Fely, kinailangan kong mag-adjust sa kakulangan ng aking mga estudyante at sana’y patnubayan ako ni Yahweh El Shaddai sa aking ginagawa.

Pero isang araw, sumakit pong maigi ang ulo ko dahil natambakan ako ng mga hindi naasikasong trabaho sa bahay at sa eskuwela. Hindi kasi nakapasok ang helper ko kaya ako ang gumawa ng mga gawaing bahay.

Akala ko’y mararatay ako, pero bigla kong nakita ang Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs, Kryatall Yellow Tablet, at Krystall B1B6.

Wala na po akong inaksayang panahon at ako’y mabilis na nagsuob kasabay ng pag-inom ng mainit na Krystall Nature Herbs. Pagkatapos magsuob ay naghaplos ako ng Krystall Herbal Oil, kumain at uminom ng Krystall Yellow Tablet saka natulog.

Kinabukasan, alas-kuwatro pa lamang ay nagising na ako kaya pinakiramdaman kong maigi ang aking katawan. Ako’y naghanda ng almusal at pagkakain ay muling uminom ng K Yellow Tablet at K B1B2. Aba, bigla’y wala na akong dinaramdam.

Ay totoo po iyon Sis Fely. After ng aking Krystall healing session, kompiyansa na akong bumalik sa pagtuturo.

Maraming salamat po sa inyo Sis Fely at higit kay Yahweh El Shaddai.

Sumasainyo.
TITSER LINA
Pateros, Rizal


Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ongt

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …