I-FLEX
ni Jun Nardo
ISASALANG agad sa tatlong shows si Kim Atienza sa paglipat niya sa GMA Network na binigyan siya ng mainit na welcome sa 24 Oras noong Lunes.
“Isang malaking karangalan na mapunta ako sa GMA Network,” bulalas ni Kim na tinatawag ding Kuya ng Bayan.
Magiging bahagi si Kim ng 24 Oras. Magiging bahagi rin siya ng Mars Pa More at upcoming news magazine show na Dapat Alam Mo!
Sa mainit na pagtanggap sa kanya ng GMA executives, saad ni Kuya Kim, ”I am so happy that you are accepting me wholeheartedly. Damang-dama ko ang pangalan ng ating estasyon.”