Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bianca Umali

Bianca Umali 13 oras pumila makapagparehistro lang

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAGDUSA at nagtiis ng 13 oras si Bianca Umali para pumila kasama ang pinsan sa isang shopping mall kamakailan para makapag-parehistro sa darating na eleksiyon.

Alas tres ng madaling-araw ay nakapila na raw siya hanggang 4:00 p.m. ayon sa post ni Bianca sa kanyang Instagram.

“Sa wakas isa na po akong REHISTRADONG BOTANTE, ang sarap sa puso,” bahagi ng caption ni Bianca sa IG.

Hinikayat din ng isa sa Legal Wives star na mag­pa­rehistro at bumoto.

“Ito ay ating karapatan at kaila­ngang gam­panan. Tung­kulin at pa­nanagutan natin ito bilang mga Filipino,” saad pa ni Bianca.

Ipinagmalaki ni Bianca ang hinlalaki niyang may thumbmark.

Siyempre pa, super-like naman sa post ng Kapuso actress ang rumored boyfriend niyang si Ruru Madrid sa ginawa niya, huh!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …