Thursday , December 19 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

‘Yellow’ tagging sa Pateros

PANGIL
ni Tracy Cabrera

One of the penalties for refusing to participate in politics is that you end up being governed by your inferiors.

— Athenian philosopher Plato

PASAKALYE:

Text message

Sina Cynthia Villar at Manny Pacquiao nananatiling pinakamayamang senador. Pero ang pinakamahirap ay si Leila de Lima na naipakulong dahil sangkot kuno sa droga. Pero mga bigtime druglord na nasa Malakanyang (ay) mga kumpare ni Bangag. Hahahaha! Kung ako ang bilyonaryo? Maaari akong tumulong sa nangangailangan sa abot ng aking makakaya. Huwag nilang ipagyabang na kaya sila pumasok sa politika e para maglingkod? Hahahaha! O para mangurakot din? Sayang nga sina Villar at Pacquiao, mabubuting tao at nakatutulong din kahit hindi politiko. Nang pumasok sa putikan, ayun narumihan ang malinis nilang pangalan. Si Marcos ang naging idolo ng mga sobrang corrupt ngayon. Isang dating sundalo, simple ang buhay naging pangulo. Ngayon kung talagang pagsasama-samahin mo ang yaman niya na nakulimbat pati ang sinasabing mga ginto? Trilyon dolyar daw ‘yan. Kaya si Marcos pinakamayaman sa Filipinas. Walang sinabi sina Ayala, Henry at iba pa. Kaya ito gusto nila tapatan o malampasan si Marcos sa yaman. Juan po.

— Juan ng Tondo (0904818…)

* * *

PATULOY umano ang pagkakaroon ng kaso ng CoVid-19 sa Pateros kahit bakunado ang lahat ng mamamayan ng nasabing lungsod kaya nilalagyan ng ‘yellow tag’ ang mga bahay kung saan mayroong residente na may viral infection.

Pinuri naman ang sinasabing ‘yellow tagging’ ng ilan sa mamamayan dahil makabubuting may kaalaman ang taongbayan ukol sa mga taong maaaring makapanghawa ng sakit sa kanilang kapwa at matiyak na rin na sila ay sumasailalim sa itinakdang kuwarentina upang maiwasan ang pagkalat pa ng CoVid-19.

Dangan nga lang ay may ilang tagamasid na nagtatanong kung umano’y may bahid politika ang paglalagay ng palatandaang dilaw sa mga bahay-bahay, lalo na’t may ilang mga posibleng kandidato sa halalan sa susunod na taon ang nagsimula nang mangampanya sa pamamagitan ng mga ‘paid advertisement’ sa television, radyo at mga pahayagan at gayondin sa social media.

Ayon sa isang tagamasid, na tumangging magpakilala, maaaring may bahid ito ng politika dahil alam naman ng karamihan ng mga botanteng Pinoy na ang kulay dilaw ay kumakatawan sa grupo ng oposisyon o mga kritiko ng partido ng administrasyong Duterte na Partido Demokratiko Pilipino-Laban ng Bayan (PDP-Laban) sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte.

* * *

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa aking na [email protected] o i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *