Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall herbal products

Tagatangkilik ng Krystall herbal products nagbahagi ng maraming benepisyo

Dear Sis Fely Guy Ong,

BLESSING from our Lord be with us. Ito po ang mga patotoo ko tungkol sa Krystall, nagluluto ako ng buhay na Lapu-Lapu pero dahil po mababaw ang kaserola na pinaglutuan ko, ito ay tumaob nang ilagay ko ang isda. Tumapon ang mainit na sabaw sa aking kamay. Dali-dali akong nagdikdik ng luya at nagpakulo ng tubig. Akala ko po patay na ang Lapu-Lapu nang ilagay ko pero buhay pa pala at talagang malakas.

Hinaplosan ko ng Krystall Herbal Oil ang aking kamay nang matagal. Salamat po at hindi ito nagtubig at parang walang nangyari.

Pangalawa po, nahihirapan umihi ang aking nanay pinainom ko ng Krystall Yellow Tablet, guminhawa agad ang kanyang pag-ihi. At pangatlo po nagtrabaho ang aking anak sa isang kilalang fastfood na-assign siya sa kitchen.

Init at lamig ang kanyang hawak, napansin ko ang panginginig ng kanyang kamay lalo na kapag siya’y nagsusulat. Pumunta kami sa Baclaran sa Berma. Hinaplosan siya ng Krystall Herbal Oil sa ulo, likod, braso at dibdib. Hindi ko na makita ang langis sa kanyang katawan sa halip pawis ang lumalabas marahil ito ay pasma na.

Nawala ang kanyang panginginig tunay pong mabisa ang Krystall products.

Pang-apat, mayroon kaming kapitbahay, nag-iiyak ang bata, 2 years old siya, hindi nakakakain dahil may singaw pala sa dila. Binigyan ko ng Krystall Yellow Tablet, pinadurog ko sa mother at sabi ko ilagay sa dila. Hindi ko na narinig na umiyak ang bata at siya ay nakakakain na.

Panglima, hindi makapagsuot ng sapatos ang kaibigan ng pamangkin ko, pinahugasan ko at pinalagayan ko ng Krystall Herbal Powder.

Kinabukasan nakasapatos na siyang pumasok sa shool.

Pang-anim tuwing umaga akoy nagigising sa pagdilat ng mata ko masakit. Pinapatakan ko ng Krystall Herhbal Eye Drops at hinaplosan ko ng Krystall Herbal Oil. Araw gabi ko itong ginagawa. Sumunod na ako’y magising, hindi na masakit at umiinom din po ako  ng Krystall Vit. B1B6.

Ang tuhod ko po hndi na mabaluktot at hirap na po akong lumakad. Ibinabad ko po sa Krystall Soaking Powder, hinaplos ng Krsytall Herbal Oil, uminom ng Krystall Yellow Tablet at Krystall Vit. B1B6 nawala ang pamamaga at normal ko na pong nailalakad.

Naibabaluktot at nakapaglalaba na rin na  naka-squat pa ako.

Ganyan kabisa ang Krystall herbal products.

God Bless & more power,

SIS ROSALINA LAZARO

Sta. Ana, Maynila

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …

Christine Dayrit 60 Dream Holidays Around the World

Lipa City Top Global Destination sa 60 Dream Holidays Around the World ni Cristine Dayrit

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LIPA, isang lungsod sa Batangas na paboritong local destination ng may …