Saturday , November 16 2024
YANIG ni Bong Ramos
YANIG ni Bong Ramos

Community quarantine to alert level pangalan lang ang nagbabago ngunit walang pagbabago

YANIG
ni Bong Ramos

ANO na naman kaya ang bagong patakarang ipatutupad ng ating gobyerno matapos alisin ang mga community quarantine na pinalitan ngayon ng alert level?

Mukhang mga titulo lang at pangalan ang nagbabago pero sa totoo lang, iyon at iyon din naman ang konteksto at wala rin nagbabago.

Hindi kaya pinalulundag lang tayong mga mamamayan na kung tutuusin ay tawag lang ang iniiba pero iisang anyo rin?

Maraming negosyo ang binuksan sa pagpapatupad sa alert level 4 sa NCR ngunit iyon pa rin ang mga sangkap at lahok na iginigisa.

Magaganda ang mga bagong bokabularyong nilikha ng mga taong nagbalangkas nito tulad ng mga special lockdown, granular lockdown at kung ano-ano pa na kung minsan ay hindi na maintindihan ng mga tao.

Ang mga alituntunin at mga ginawang patakarang ay tila naglalaro lang sa isang tono at timpo na matagal ng plakadong kantahin ng madlang people.

Mahigit isang taon at kalahati na nating sinakyan ang aral na ito na paulit-ulit lang ngunit iyon at iyon din naman at wala rin ipinagbago kundi pangalan lang, panibagong eksperimento.

Sa kasalukuyan, inilagay nila sa alert level 4 ang NCR na mayroon namang heightened restrictions sa ilang aktibidad na dapat sundin ng mamamayan. Maraming beses nang nangyari.

Hindi kaya tayo binabaterya na lang ng mga taong may akda at nagsagawa ng mga aktibidad at mga programang ‘yan?

Para bang ayaw na yata tayong paalisin sa loob ng andador o kolong-kolong na wala tayong karapatang gumalaw at maging malaya.

Mukhang hanggang doon lang ang espasyo natin at hangganan sa loob ng bakuran nilang ginawa. Doon lang tayo puwedeng gumalaw at maglaro na hindi natin malaman kung hanggang kailan.

Maganda sana kung may nagbabago sa kanilang mga pinapasunod na kung ano-ano laban sa kasalukuyang pandemya ngunit wala rin naman, ‘di po ba?

Hindi kaya nagsasawa at nauumay ang mga tao sa kanilang pinag-uusapan at ginagawa sa loob ng isang taon at kalahati na lalong naghihirap ang kanilang mga kababayan.

Hindi kaya nakokonsensiya ang mga damuho partikular ang mga taong bumubuo ng IATF na inatasan ng ating mahal na Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa CoVid-19 response.

Mantakin ninyong kulang dalawang taon na silang naghaharapan na halos magkapalit-palit na ang mga mukha ay ganon pa rin, bagkus ay lalo pa yatang lumalala ang sitwasyon. All year round ay sila-sila rin hanggang sa kasalukuyan at lalo pang nadagdagan ang pero wala rin namang mga silbi. Tsk tsk tsk…

Hindi naman siguro kasalanan kung umayaw naman kayo para nabigyan naman ng pagkakataon ang iba nating kababayan, delicadeza ‘ika nga ng mararangal na tao. Mas hahangaan at sasaluduhan pa kayo siguro ng ating mga kababayan kung gagawin ninyo ‘yan.

About Bong Ramos

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *