Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil, Left arm, Left shoulder
Krystall Herbal Oil, Left arm, Left shoulder

BPO-WFH employee bumilib sa husay ng Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong,

          Magandang araw po sa inyo.

          Ako po ay isang BPO work from home (WFH) employee ngayong panahon ng pandemya.

          Ise-share po ng inyong lingkod, Ashley Marquez, 36 years old, ang aking karanasan sa paggamit ng produktong Krystall.

          Sa totoo lang po, ang WFH ay malaking advantage ngayong panahon ng pandemya. Hindi kami nahihirapang magbiyahe at lesser ang aming exposure.

          Pero desbentaha rin naman dahil hindi gaanong nakagagalaw-galaw ang ibang bahagi ng aming katawan. Kaya nga, as much as possible, ay gumagawa kami ng routine exercises.

          Pero isang araw, parang naramdaman ko, namamanhid ang aking kaliwang braso at nang iangat ko ay naramdaman ko na hanggang balikat pala.

          Hala, kako, anong nangyari? Ninerbiyos ako, kasi talagang ang bigat iangat ng aking kaliwang braso. Binalak kong magpunta sa doktor pero biglang nag-lockdown kaya hindi rin ako nakalabas ng bahay.  

          Napansin ng nanay ko na parang hirap na hirap ako sa aking kaliwang braso, tapos sabi niya, “wait ha, kukunin ko ang Krystall Herbal Oil.”

          Sabi ko, “naku ha, baka mag-amoy matanda ako niyan ha?”

“Hindi,” sabi ng nanay ko, “magugustohan mo ang amoy nito kasi nakare-relax.”

          Agad akong pinahiran ng Krystall Herbal Oil ng nanay ko sa likod sa kaliwang balikat hanggang sa kaliwang braso at kamay. Mga 15 minutes niyang hinaplos-haplos ang bahaging iyon ng aking katawan hanggang maramdaman ko nga na na-relax ako at nakatulog.

          Dalawang oras yata akong nakatulog, after office hour, at pagkagising ko, laking gulat ko kasi gumaan na ang braso at balikat ko.

          Paulit-ulit kong ginawa ang paghaplos ng Krystall Herbal Oil sa aking braso at balikat, hanggang tuluyang mawala ang pananakit at ngayon nga ay normal na ang aking pakiramdam.

          Maraming salamat po, Sis Fely sa inyong napakahusay na imbensiyon.

Ang inyong bagong tagasubaybay.

ASHLEY MARQUEZ,

Valenzuela City

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …