Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rustom Padilla, BB Gandanghari

Rustom poging-poging matinee idol (‘di kinakitaan na magiging Bb Gandanghari)

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGISING kami nang madaling araw na ang natiyempuhan namin sa telebisyon ay simula ng pelikulang Maruja, na batay sa nobela ni Uncle Mars Ravelo. Napapailing na lang kami habang nanonood.

Iisipin mo bang si Rustom Padilla, iyong poging matinee idol at dramatic actor noon ay si BB Gandanghari na ngayon? Noon siguro kapag sinabi mong bading si Rustom, may sasapak sa iyo.

Hindi ba dahil sa ganyang tuksuhan nagsimula noon ang giyera ng mga Padilla at mga Yllana? Noon luma­bas iyong kontrobersiyal na H World.

Naalala nga namin ang kuwento, si Rustom ang naki­usap noon sa Viva na kunin para sa Maruja si  Carmina Villa­roel, para ma­gawa nga ng girlfriend niya noon ang inaasam na role, kahit na si Carmina ay nasa Regal. Ang daming artistang babae ng Viva na naghahangad na gawin ang Maruja, pero matindi ang pakiusap ni Rustom.

Tapos nagkahiwalay din naman pala sila at si Rustom nga ay naging si BB Gandanghari. Hindi masasabing naging ganoon si Rustom dahil sa paghihiwalay nila ni Carmina. Lumalabas na natuluyan ang hiwalayan dahil naging si BB na nga siya at nagkaroon na pala ng kaugnayan kay “Papa Jonathan.” Hindi ba naman misis?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …