Dear Sister Fely Guy Ong,
Ako po si Nenita de los Angeles, 53 years old, isang bookkeeper, taga-Quezon City.
Matagal ko na pong iniinda ang hindi ko maintindihang kirot sa aking kaliwang paa. Pero dahil kaya ko pa, hinayaan ko lang.
Hanggang isang umaga, pagigising ko ay parang hindi na ako makalakad at namamaga ang aking kaliwang paa.
Nakupo! Ito na yata ang ‘magkakarsel’ sa aking katawan upang tuluyang tumigil sa bahay ngayong panahon ng pandemya.
Pero hindi po nangyari ang nasa isip ko dahil sa Krystall Herbal Oil.
Agad ko pong pinahiran ng Krystall Herbal Oil ang namamaga kong sakong at ang bahagi ng paa na napakasakit lalo ang dulong panapak.
Paglipas ng isang araw, talagang hindi po ako makapaniwala, umimpis ang pamamaga at ako ay unti-unti nang nakalalakad.
Paglipas ng isang linggo, tuluyan na pong gumaling at nawala ng kirot ng aking kaliwang paa.
Maraming salamat po, Sis Fely.
Sumsainyo,
NENITA DE LOS ANGELES
Quezon City
Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.
Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong