Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
10-M COVID-19 vaccine doses Cebu Pacific (Sa loob ng 6 buwan)

10-M COVID-19 vaccine doses naihatid na ng Cebu Pacific (Sa loob ng 6 buwan)

SA LOOB ng anim na buwan simula noong Marso 2021, nakapaghatid na ng 10.6 milyong CoVid-19 vaccine doses sa iba’t ibang bahagi ng bansa, maituturing na milestone ng cargo delivery ng airline.

Sa nakaraang dalawang linggo, nailipad ng Cebu Pacific ang mga bakuna sa 19 mga lugar sa iba’t ibang mga lalawigan sa bansa: sa Bacolod, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Cotabato, Davao, Dipolog, Dumaguete, General Santos, Iloilio, Kalibo, Legazpi, Ozamiz, Pagadian, Roxas, San Jose, Siargao, Tawi-Tawi, at Zamboanga. 

Bukod sa mga nabanggit, kabilang din sa mga nahatiran ng Cebu Pacific ng CoVid-19 vaccines ang Bohol, Boracay, Cauayan, Masbate, Puerto Princesa, Tacloban, Tuguegarao, at Virac.

“We know how integral these vaccines are in safeguarding the health of Filipinos during the pandemic. That is why we are honored to assist the government in ensuring the safe delivery of these life-saving vaccines, and we look forward to carrying more across our widest domestic network,” pahayag ni Alex Reyes, Chief Strategy Officer ng Cebu Pacific.

Lahat ng bakuna ay naaayon sa safety standards at nakalagak sa mga temperature-specific container upang mapanatili ang bisa nito hanggang sa pagdating ng itinakdang vaccination sites.

Simula noong Abril 2021, mula China ay nakapagbiyahe ng higit sa 16.5 milyong vaccine doses patungong Filipinas.

Ang Cebu Pacific ay may gradong 7/7 stars mula sa airlineratings.com para sa CoVid-19 compliance dahil sa patuloy nitong pagpapatupad ng multi-layered approach para sa kaligtasan na naaayon sa global aviation standards.

Ang Cebu Pacific ang may pinakamalawak na domestic network sa bansa na mayroong 32 destinasyon, kabilang ang walo nitong biyaheng internasyonal.

Isa sa pinakabata sa buong mundo, kabilang sa 75-strong fleet nito ang dalawang ATR freighter at isang A330 freighter.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

FIFA Futsal

Apat na higante magsasagupaan; FIFA Futsal Women’s World Cup lalo pang umiigting

MGA LARO SA BIYERNES(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – ARGENTINA VS PORTUGAL8:30 P.M. – SPAIN VS BRAZIL …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …