KAWAWA ang closeted male star kung totoo ngang nagkapatulan sila ng isang openly gay celebrity. Iyan ang kuwento sa amin ng isang poging male model na noon ay matagal na niligawan ng openly gay celebrity. Talaga raw mabait naman iyon at kahit na ano ibibigay sa iyo habang nanliligaw pa, pero kung syota ka na niya, gagawin na niya ang “kakaibang hilig sa sex” na dahilan kung bakit siya kumalas agad doon.
Kung sa bagay dahil silahis din naman ang male star na syota niya ngayon, baka ok lang doon ang mga “kakaibang hilig sa sex.” Baka naman ok lang doon ang “mag-dance to the music.” (Ed de Leon)