Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Matteo Guidicelli, Arnold Aninion

Pag-i-squat ni Matteo binanatan ng netizen

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG Sabado, September 11, ay nag-post si Matteo Guidicelli sa kanyang Instagram account ng video, na proud niyang ibinahaging na-beat niya ang kanyang personal record sa pag-i-squats sa weightlifting.

Ikinuwento niya ring siya ay nagte-train sa ilalim ng athlete na si Arnold Aninion.

Sa post na ito ng mister ni Sarah Geronimo ay nag-comment ang isang basher ng aktor. Tinawag nito si Matteo at ang kanyang coach na copycat clowns at wannabe Hidilyns, na ang tinutukoy ay si Hidilyn Diaz.

Sinagot naman ito ni Matteo ng pabiro. Sabi niya tungkol sa pagtawag sa kanila ni Arnold, ”these clowns are too funny.”

Si Arnond ay sinagot din ang basher. Sabi niya na tila naghahamon, ”talk is cheap. Come over anytime.”

Sa isa pang comment, sinabihan din ni Arnold ang netizen na huwag nang idamay pa si Hidilyn sa gusto niyang sabihin.

Saad ni Arnold, ”’wag mo na e damay si Hidalyn [laughing emoji] speak for yourself na Lang and post your squat then come to me.”

O ‘di ba, talagang hinahamon ni Arnold ang basher nila ni Matteo?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …