Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paolo Contis

‘Friends’ kay Paolo naiba ang kahulugan?

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

ANO ba naman ‘yan?  Buong paniwala ng  marami sa atin, ang pagdating nitong pandemya (CoVid 19) ang isa sa magiging matinding dahilan para lalo pang magbuklod-buklod ang bawat pamilya at mga nagmamahalan sa buhay.

May umabot pa sa hiwalayan.

At sa isang hindi mo aakalaing kadahilanan.

Bugbog na sa bashing si Paolo Contis. Sa sinapit nila ng partner niyang si LJ Reyes. Na mas pinili na lang na sa Amerika na muna manahan kasama ang mga anak.

Naglitanya naman ng mga kadahilanan sa panig niya itong Paolo. Dahil may lumitaw na ngang pangalan ng kapwa rin nila artista na nauugnay sa kanya.

Gustong sabihin ni Paolo na naging kahingahan lang niya ng loob ang tinutukoy na siya raw salarin para humantong na sila ni LJ sa hiwalayan. Wala naman daw kasing third party.

Pero noon pa, may image na umano si Paolo ng pagiging playboy. O sadya lang talagang lapitin ng mga babae.

Kaya ngayong may ganitong scenario, ang masisipag na sawsawerong netizens sige rin sa kalkal sa mga naugnay na sa aktor kahit pa masasabing may pamilya na ito.

Lumitaw ang pangalang Joy Reyes. Sino siya? Naugnay naman ito kay Jomari Yllana. May dalawang anak. At hiwalay na rin. 

Sukat bang may magkalat ng pics nito at ni Paolo na kuha noong 2017. Sa magkaibang pagkakataon. Sa pagkakaalam ko, ‘yun naman ang time na nasa relasyon kay Jom si Joy.

Eh, malamang may malisya ang nagpadala o nagpapadala at nagpapakalat ngayon ng nasabing larawan. Dahil not in good terms din si Jom sa ina ng mga anak niya.

Ano ba talaga? Eh, malamang sabihin din ni Paolo na friends sila ni Joy. At baka siya naman ang hingahan din nito ng mga problema niya.

Ayan. Hindi tayo na-inform, huh. 

Naiba na ang kahulugan ng “friends” talaga. May karugtong na!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …

Vilma Santos Gawad Tanglaw

Vilma tinanggap ika-5 pagkilala mula Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGLAMBING sa inyong lingkod si Gov. Vilma Santos-Recto na i-represent siya sa katatapos …

Innervoices Aliw Awards

InnerVoices wagi sa Aliw Awards 2025

MATABILni John Fontanilla  BAGO matapos ang 2025 ay tumanggap ng parangal ang Innervoices bilang Best Group Performer in …