Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kelvin Miranda, Beauty Gonzalez 

Beauty at Kelvin open ba sa May-December affair?

Rated R
ni Rommel Gonzales

GAYA ng tema ng kanilang pagbibidahang bagong mini-series na  Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette, papayag nga ba sina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda na makipagrelasyon sa mas may edad sa kanila?

Sa kanyang kauna-unahang Kapuso serye, nakatakdang gumanap si Beauty bilang si Bridgette de Leon, isang guidance counselor na makaka-summer fling si Marcus Villareal (Kelvin) na kanya palang estudyante. 

Dahil isang May-December love affair ang tema ng kanilang mini-series, bukas nga ba o nagkaroon na ba ng karanasan sina Beauty at Kelvin na makipagrelasyon sa labas ng kanilang age bracket?

Ani Kelvin, game siyang makipagrelasyon sa mas matanda sa kanya. ”Actually in real life, mas gusto ko talaga ‘yung older than me. Mas prefer ko lang ‘yung mas may edad lang talaga sa akin, siguro kahit mga five years or six years.”

Samantala, si Beauty naman ay may experience na maligawan ng mas bata sa kanya. ”I had an experience also na may nanligaw sa akin na bata but natatawa ako. Never ko pang na-try na nagkaroon ako ng relationship with a young man but I had a few suitors na bata sa akin. Nagugulat na lang ako kasi parang anong nakita nila sa akin?”

Mapapanood na ang kuwento nina Bridgette at Marcus sa Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette simula noong Lunes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …

Vilma Santos Gawad Tanglaw

Vilma tinanggap ika-5 pagkilala mula Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGLAMBING sa inyong lingkod si Gov. Vilma Santos-Recto na i-represent siya sa katatapos …

Innervoices Aliw Awards

InnerVoices wagi sa Aliw Awards 2025

MATABILni John Fontanilla  BAGO matapos ang 2025 ay tumanggap ng parangal ang Innervoices bilang Best Group Performer in …