SA PAGSUNOD sa mahigpit na global aviation safety standard, muling nakapagparehistro ang Cebu Pacific sa International Air Transport Association’s Operational Safety Audit (IATA-IOSA)
Ang IOSA Audit ang tumitingin kung ang airlines ay sumusunod sa ‘highest level of safety practices’ na kailangang pasado sa ‘global aviation standards’ upang matiyak ang maayos at matiwasay na pagbiyahe ng mga pasahero.
Unang umanib noong 2019 ang Cebu Pacific sa IATA na mayroong miyembrong higit sa 290 airlines.
Sa kasalukuyan, ang Cebu Pacific ang maituturing na pinakamlaking miyembro ng IATA sa lahat ng airlines sa bansa na umabot sa 51% ang domestic passenger volume at 53% ang kabuuang domestic cargo noong 2020.
“We are fully aware that now more than ever, safety is everyjuan’s topmost concern. We in CEB continue to prioritize this and have made sure our protocols and policies meet IOSA standards as it is the recognized benchmark for airline safety across the globe,” pahayag ni Capt. Manny Ilagan, Vice President for Safety, Quality, & Security ng Cebu Pacific.
Patuloy na nag-i-invest ang Cebu Pacific sa mga teknolohiya upang mapataas ang ‘risk management capabilities’ at maging mas episyente ang operasyon.
Kasama sa auditing ng IOSA ang pamamahala ng operasyon at control systems na sumasakop sa Organization Management and Control System, Flight Operations, Dispatch, Cabin, Ground Handling, Cargo, Maintenance at Security.