KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas
ANAK ng dating pari si Paolo Contis. Paring Italyano na nadestino sa Pilipinas.
Noon pa namin alam ang impormasyon na ‘yan buhat sa dalawang katoto namin sa panulat na naging co-teachers ng ina ni Paolo na Pinay. Teachers sila sa isang language school for missionaries na gustong matuto ng Tagalog o kung ano pa mang lengguwahe sa Pilipinas.
Inter-church Language School ang pangalan ng special school na nasa likod ng Pantranco bus terminal na malapit sa Roosevelt Avenue, QC.
Estudyante nila ang naging ama ni Paolo na si Renato Soru Contis. Jean ang pangalan ng teacher na naging ina ni Paolo. Umalis sa pagiging missionary priest ang tatay ni Paolo para pakasalan ang ina nito.
Kahit kailan ay never nabanggit ni Paolo na dating pari (o missionary) ang ama n’ya na yumao sa cancer noong 2010. Inilihim kaya ‘yon ng pamilya n’ya?
Nang sabihin namin sa isang film producer na napaka-religious na dating pari ang ama ni Paolo, ang feeling n’ya ay may kinalaman doon ang ugali ni Paolo na mang-iwan ng karelasyon, kasal man sila o hindi.
At sa tunog ng mga interbyu na nabasa namin noong yumao ang ama ng aktor, ‘di naman ito hiwalay sa ina ni Paolo.
Kung may “pattern” na nga si Paolo ng pang-iiwan, sana ay maisip n’yang komunsulta sa isang behavior specialist para mabago n’ya ang mindset at ‘di siya magpadalos-dalos na magkaroon ng bagong karelasyon.
At mga babae, huwag magpadalos-dalos na ma-in love sa napakaguwapong si Paolo.