Kinalap ni Tracy Cabrera
SAO PAOLO, BRAZIL – Napag-alaman ng mga siyentista sa Brazil na may isang molecule sa kamandag ng isang uri ng ahas na kayang pigilin ang mutation ng corona virus sa mga monkey cell — posibleng hakbang tungo sa paglikha ng isang droga na maaaring lumaban sa virus na sanhi ng CoVid-19.
Batay sa pag-aaral na lumabas sa scientific journal na Molecules, nadiskubre ng mga researcher sa University of Sao Paolo na ang kamandag mula sa jararacussu pit viper ay kayang mag-inhibit sa abilidad ng novel corona virus para dumami sa mga cell ng unggoy sa antas na 75 porsiyento.
Ang jararacussu ay isa sa mga pinakamalalaking ahas sa bansang Brazil na umaabot sa anim na talampakan (2 metro) ang haba. Naninirahan sa coastal Atlantic Forest at matatagpuan din sa Bolivia, Paraguay, at Argentina.
“We were able to show this component of snake venom was able to inhibit a very important protein from the virus,” wika ni Rafael Guido, propesor sa State University of Sao Paulo at may-akda ng pag-aaral.
Ipinaliwanag ni Guido, ang tinutukoy nilang molecule ay isang peptide, o jade ng mga amino acid, na maaaring kumonekta sa isang enzyme ng coronavirus na kung tawagin ay PLPro at mag-alaga sa reproduksiyon ng virus, nang hindi nakakasama sa ibang mga cell.
Napag-alamang mainam sa mga anti-bacterial quality, ang nasabing peptide ay maaaring i-synthesize sa laboratoryo, dagdag ni Guido sa panayam ng media, dahilan para hindi kailangang humuli o magparami ng ganitong uri ng ahas.
“We’re wary about people going out to hunt the jararacussu around Brazil, thinking they’re going to save the world … That’s not it!” punto ni Giuseppe Puorto, isang herpetologist na siyang nagpapatakbo ng biological collection ng Butantan Institute sa Sao Paulo.
“It’s not the venom itself that will cure the corona virus,” dagdag ni Puorto.
Kasunod ng nadiskubre ukol sa kamandag ng jararacussu pit viper, susuriin ng mga researcher ang efficiency o husay ng iba’t ibang mga dose ng molecule kung makapipigil sa virus sa pagpasok nito sa mga cell o hindi.
Umaasa silang masusubukan nila ito sa mga human cell ngunit hindi sila nagbigay ng timeline.